Nuffnang Code

Wednesday, February 27, 2013

ASK LOVE AND LIFE:FriendSHIT

Sa 28 years kong nabubuhay, itong mga nakaraang tatlong taon ang tunay na humamon sa pananaw ko tungkol sa pagkakaibigan. Lalo na sa kasalukuyan na talaga namang malaking pagbabago ang nakita ko sa mga kaibigan, kinaibigan, o kumakaibigan sa akin.

Noong nakaraang taon ko lang talaga napagalaman na palakaibigan pala ako. Sinabi lang din sa akin ng isa kong matalik na kaibigan. Naisip ko, na totoo naman ito dahil sinuman ang aking makilala ay pakikitunguhan ko ng tama, ayos at talagang may pagaalaga.

Ganoon ako bilang kaibigan. Ill make my way to help a friend, even if it means inconveniences on my part. Hindi ko sinusumbat ang mga "inconveniences" na yun, pero nagkakataon o talaga naman dinadala ng panahon, na ang mga "inconveniences" na yun ay ginagawa ko sa mga taong hindi naman handang tumanggap ng "inconveniences" para sa akin. Ang masama lang dun tapos na at nangyari na bago ko pa man malaman na hindi mutual ang friendship. In short, FriendSHIT!

Ganoon din naman sa mga taong kinaibigan kong masayang kasama, katawanan pagkaharap ko pero marame naman palang nasasabe tungkol sa akin. Pinakamasakit dun ay ang laitin ako sa pisikal kong anyo. Hindi ako insekyurang tao. Hindi ko sinasabing wala akong insecurities sa katawan. Meron. Madame. Matagal nang panahon. Pero kailanman hindi ko ito ginamit para maramdamang mas angat ako sa iba. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit kailangan gamitin laban sa akin ang anumang pagkukulang ko sa pisikal na anyo. Sa tingin ko hindi naman nakakasasakit o nakakaapak ng pagkatao ang pagkukulang na ito. Mas dapat pa ngang ako ang maapektuhan pero bakit kayo ang naapektuhan ng pagkukulang ko. Doon ko nalaman na isa din pala silang FriendSHIT!

Isa sa mga pinakanagpabago sa pagtingin ko sa pagkakaibigan ay nangyari nito lang mga nakaraaang buwan. Ito yung maling akala. Akala ko magkaibigan kame, akala ko kilala niya ako para malaman kung anung tama at mali sa ginagawa nya. Akala ko na tulad ko ay may konsiderasyon siya para sa kaligayahan ko. Ganoon din akala ko may pakialam siya sa mararamdaman ko, pero nagkamali ako. Ang importante lang pala sa kaniya ay sarili niya. Sarili niyang kasiyahan. Ngayon lang ako nakakilala ng taong ganoon kainsensitive. Minsan nga hindi ko mapaniwalaang ang lahat ng ito ay dahil lang sa insensitivity nya. Madalas alam kong ang lahat ay sadya. Sadya nya para maging sikat, panalo, una siya. Sa lahat ng bagay. Isang kumpetisyon ang lahat. Pati ung pagkakaibigan namen ay naging kumpetisyon na. Walang saysay o kwento kung walang mauuna, kung walang mananalo, at dapat lahat ng mauuna at mananalo ay siya lang. Kaya kong tanggapin ang pagkatalo, wala sa akin un lalo na kung ang laro ng buhay ang paguusapan. Hindi naman ako nabuhay sa mundong ito para makipagkumpetinsyon. Hindi ako upang manguna o manalo sa lahat ng pagkakataon. Competitive ako pero nasa lugar. Kaya kong maging masaya para sa ibang tao kahit pa ang ibig sabihin nito ay mauuna sila sa akin. Masakit malaman na sa kabila ng lahat ng pagkakaibigan ay huwad pala ito. Na kailanman hindi ito naging tunay na pagkakaibigan dahil sa ang lahat ay laro, lahat ay race. Masaya siya sa tuwing mananalo siya at lalong lalo na kung matatalo ako. FRIENDSHIT.

Sa kabila ng lahat ng ka-shitan na to, isa sa mga mahahalagang natutunan ko ay ang pumili ng mga taong mananatili sa buhay ko. Noon hirap akong iletgo ang mga tao sa pagiisip na kaibigan ko sila. Pero sa panahong tulad nito hindi mahalaga kung marami kang kaibigan ang mahalaga ay tunay sila.

7 comments:

  1. sabi nila habang tumatagal at tumatanda, kumokonti ang mga natitirang kaibigan natin. hindi dahil nagiging salbahe tayo kundi lumalabas na ang tunay nating ugali. lumalakas ang opinion natin at character - hindi lahat ng tao kaya tayo pakibagayan. ganon din tayo sa iba.

    ako, dumaan ako sa phase na nanibago ako. dahil sa dami kong kaibigan dati, kokonti nalang ang natira ngayon. naniniwala ako na sila ang mga kaibigan kong totoo.

    pero ewan ko..di pa naman katapusan.

    :)

    ReplyDelete
  2. ang ganda nun. tama, siguro nga kasi ngayon matanda na tayo alam na naten what really matters. at kaya naten magdesisyon. Kc, dati ung blog naten puro kalokohan lang, ngayon sumeserious mode na tayo:)

    ReplyDelete
  3. Okay lang yan. Aanhin mo naman ang maraming kaibigan kung wala ka naman makausap ng ganito kahit isa. Sabi nga nila wag pagaaksayahan ang mga taong hindi worth ng time natin. Lets surround ourselves with people who loves us and supports us no matter what. Lets be thankful theyv taught us something about friendship :-)

    ReplyDelete
  4. agree na agree jho!
    di ba nga, mabuti nang kumonti ang mga kaibigan, basta matira lang ang mga totoo.

    minsan kahit mga kaibigan (o itinuturing nating kaibigan) kailangan din i-let go!

    sabi nga, alisin ang mga negatibong bagay sa buhay mo...kahit pa nga kabilang dito ay ang mga taong kagaya niyan sa binabanggit mo :)

    ReplyDelete
  5. hahahahaha...akalain mong march pa pala itong blog na ito??? HEHEHEHE

    Ang husay naman ng emote ni Jho sa kanyang blog...napapamangha tuloy ako sa lalim ng pinaghuhugutan ng kanyang mga naiisip...well, ika nga people come and go...tingin ko masyado lang tlga tayong "clingy" at pinapalaki sa paniniwalang merong "happy ending".

    Sounds cliche pero ganun tlaga...
    Sabi nga kinakailangang magsuot ng "helmit" mahirap na baka pagnauntog ka marrealized mong naging "tanga" ka pala sa maraming pagkakataon...teka comment lang pala ito at hindi ko sariling blog kaya hanggang sa muli Jho, bottom line lang naman ay maging maingat sa mga taong pagkakatiwalaan...

    Have a great day ahead!

    Oslec Nobulap

    ReplyDelete
  6. hahahahaha...akalain mong march pa pala itong blog na ito??? HEHEHEHE

    Ang husay naman ng emote ni Jho sa kanyang blog...napapamangha tuloy ako sa lalim ng pinaghuhugutan ng kanyang mga naiisip...well, ika nga people come and go...tingin ko masyado lang tlga tayong "clingy" at pinapalaki sa paniniwalang merong "happy ending".

    Sounds cliche pero ganun tlaga...
    Sabi nga kinakailangang magsuot ng "helmet" mahirap na baka pagnauntog ka marrealized mong naging "tanga" ka pala sa maraming pagkakataon...teka comment lang pala ito at hindi ko sariling blog kaya hanggang sa muli Jho, bottom line lang naman ay maging maingat sa mga taong pagkakatiwalaan...

    Have a great day ahead!

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Lazada Indonesia