Nuffnang Code

Friday, February 15, 2013

ANYTHING UNDER THE SUN:Tunay na Jologs

-->
Lagi kong naririnig ang jologs, at madalas ko rin naman itong gamitin. Kung babalikan ko ang unang alala ko sa salitang ito nangangahulugan ito ng pagiging baduy o wala sa uso. Hindi ko na maalala kung anung taon o kung sinuman ang nagimbento nito. Pero sa tingin ko lalo na sarili kong konteksto ay iba na ang kahulugan ng jologs.

Anu ba o sino ba talaga ang tunay na jologs?
Naglista ako ng ilan sa mga ginagawa ng mga tao na para sa akin ay “ka-jologsan”.

Jologs ang:

  1. Hindi marunong pumila ng ayos. Mga taong nagpapaka hadhad. Mga mahilig sumingit sa pila. Mapatao man o sa sasakyan. Para sa akin nagpapakita ito ng pagiging “jologs” dahil saw ala kang respeto sa mga taong matiyagang pumipila at nagaabang ng kanilang “turn”.
  2. Hindi marunong magsabi ng “Sorry”, o “Thank you”. Simple at basic courtesy lang naman iyon. Pag pinaupo ka magpasalamat, pag nakasagi ka magpaumanhin.
  3. Hindi marunong tumanggap ng pagkakamali. Minsan kasi halata na ang pagkakamali ayaw pa din aminin at lalong mas jologs ung..
  4. Nagtuturo ng ibang tao sa maling nagawa nila. Hindi mo na nga maamin na mali nga magtuturo ka pa ng ibang tao para sabihin na sila ang mali. Hindi naman nakakakababa ng sarili ang umamin sa pagkakamali, mas madalas nakakataas pa nga ito ng pagkatao.
  5. Ginagamit ang “feelings” ng iba para sa sariling benepisyo. Maraming pwedeng maging halimbawa ito. Pwede sa magasawa, magboyfriend, mag girlfriend, magkaibigan, o nagliligawan palang. Sa tingin ko ang paglalaro sa nararamdaman ng tao para sa sariling benepisyo ay mali. May mga tao kasi na para lang maramadaman na pogi, o maganda sila ay paglalaruan o paasahin ang isang tao may tunay na nararamdaman para sakanila.
  6. Mga bastos, laging green-minded, manyak. May mga tao kasing simpleng manyak, simpleng bastos pero sobrang nakaka offend. Ang mas jologs pa ay yung feeling nila na ang gwagwapo at gaganda nila sa tuwing humihirit sila ng mga kabastusan.
  7. Nagpapanggap na alam ang lahat. Sa English term, know-it-all. Di ko na kelangan ipaliwanag yan. Alam nyo na yan.
  8. Nagbabait baita pero madaming sinasabeng masama sa ibang tao. Okay lang naman na may nasasabi kang mal isa ibang tao. Ganun talaga minsan, kasi iba iba ang pagtingin ng tao sa bagay bagay. Pero ibang usapan yung sasabihin mo na wala kang ginagawang masama pero may mga naglalabasan na masamang bagay tungkol sayo.
  9. Walang originality. Ito ung mga taong mapa opinión, damit, gusto, o anuman ay ginagaya lang sa iba. Yung hindi makapagcontribute ng kahit na anu sa usapan tapos biglang siya pala ang nauna gumawa.
  10. Mga hindi maasahan sa pera. Magsasabe na maraming pera pero sa panahon na nainingil na eh parang gipit na gipit ang drama parati. Eto din ung malakas mangutang, malakas din maningil ng bayad pero walang mapala sa kanila.
  11. Nangunguha ng sagot. Oo na, nerd na kung nerd. Pero kahit nung asa klase man ako ayoko nung mga taong nangunguha ng sagot at sasabihin na sila ang nagisip nun. Wag ganun.
  12. Hindi nagaayos ng sarili. Kelangan ko pa bang ipaliwanag ito. Diba jologs naman talaga ang walang pakialam sa sarili at lumalabas ito sa pisikal na anyo.
  13. Nagaaway sa facebook or other social networking sites. Opinyon ko lang naman yan. Kasi kung matapang talaga eh di magharapan nalang. Mas okay pa ung sa Face to Face atleast nagrarambulan sila ng harapan.
  14. Nagpapaskil ng mga branded na bagay bagay. Ewan ko ako lang naman ito, siguro may kasamang inggit na din ito. Pero tingin ko kasi hindi naman na kelangan pa ilagay pa sa facebook kung nagshopping ka, kung anung tatak ng suot mo ngayon araw, etc. Tingin ko kasi may pinapalabas lang ang mga tao sa ganun eh. Na can afford at may taste ka. Pero case to case basis pa din, meron kasi akong kilala na nilalagay nya lang ung mga binibigay sakanya para makapagpasalamat. So kung ganun siguro ang intensyon eh keri na rin.
  15. Mga insekyurang, atribida, at mapaghamong mga froglettes. Nahahalata naman ang mga ganitong pakiramdam sa sarili kaya dapat wag na natin itong itago sa mala macho, matalino, better-than-anyone-else attitude. Kundi tanggapin na bawat tao ay may kahinaan, kakulangan at meron din naman kalakasa. Focus on that rather than focus on others.

Siguro marami pang iba pero sa ngayon ito palang ang mga naiisip kong kajologsan. Maaring sumangayon o di sumangayon sa aking labinlimang puntos pero kanya kanya yan. Huwag tayong magpaka jologs at sabihin maliang opinyón ko.

Kaya nga ba’t jologs man tayo o hindi, ang bottomline lang naman ay ayusin ang ugali para sa ikasasaya ng buhay ng lahat.


3 comments:

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Lazada Indonesia