Nuffnang Code

Saturday, April 23, 2011

TEACHER'S TALE: My Letter to my 12 Year Old Self

Katatapos ko lang magcheck ng papel ng mga estudyante ko ngaun gabe. Isa sa mga pinagaw ko sa kanila ay isang sulat para sa kanilang 12 year old self at 45 year old self. Nasiyahan ako sa karamihan sa mga nabasa ko. Madame akong agad na nalaman sa kanila dahil sa isang activity na yun. Dun ko naisip na bakit ba ndi ko ginawa ung activity na yun. At kung gagawin ko man eh anu kaya ang maisusulat ko. Kaya nga ba at eto ako para isulat na ang assignment ko for the day, para sa susunod na ipagaw ko ito sa klase ko eh maipapaliwanag ko na ito ng mas malalim dahil naranasan ko din ang kinakalilangan nilang gawin.


                             
                        
 Letter to my 12 year old self
Dearest Jing,

Sa panahon na mababasa mo ang liham na ito ay maaring pagraduate ka na ng grade school, at malamang ay iniisip mo kung star section ka pa ba next year kasi hanggang ngayon ay pinagdududahan mo pa rin ang galing at talino mo. Sino ba naman kasing ndi manliliit sa mga grado ng kaklase mo eh noh? Pero wag kang mag alala ang bawat grado na makukuha mo sa pag aaral ay ikakaproud mo naman. Marame kang magiging bagsak sa mga subjects at teacher na mahirap pero ganun pa man matututo kang magsikap sa pag aaral. Darating ang panahon na habang nag-aaral ka ng MAPEH eh nakakatulog ka na kasi ang nirereview mo eh tungkol sa drugs. Nakakaantok un dapat kasi wala nang written exam ang PE. Pero dahil sa mabuti ka namang estudyante nuon eh ginagawa mo ang lahat ng dapat mong gawin para pumasa. Magkakaline of 7 ka kay Ms. Suarez, pero kahit ganun eh marame ka namang matutunan sa kanya, maliban sa mga biomes na napanood mo sa required film shows nya eh matututo ka tungkol sa sarili mong pagkatao. Hindi rin hihinto ang pagiging magkakilala nyo sa highschool kasi magiging colleague mo siya pagdating ng pagiging teacher mo sa CSB. Isa siya sa mga naging highlights mo sa buhay kasi sakanya mo ata naramdaman lahat ng klase ng feelings ng isang student sa teacher. TAKOT un mostly at KABA sa tuwing tatawagin ka nya. Madalas din isa siya sa nagparamdam sayong ndi ka nga matalino. Pero naging ok naman ang buhay mo nung highschool, nagawa mo pa rin ang gusto mo, naging student council ka ulit kahit na naulit ang history nang matalo ka ulit sa third year. Alam mo na na mangyayare un eh pero sumige ka pa din. Popular kaya ung kalaban mo nun, si Cha.:) Pero kahit ganun pa man naging masaya pa din naman ang 4th year kasi Sangguniang MAg aaral ka pa rin naman, ikaw pa nga ang naging PRO? tama ba? ikaw ang nagsasalita tuwing angelus at morning prayer. Ok naman na tayo dun diba?:)

Maliban sa pagaaral, eh ndi naten matatanggi na naheart broken tayo nun, sa mga maling tao. Hanggang ngaun naiisip ko pa sila at natutuwa naman akong naging parte sila ng buhay naten. Sabihin mang mali, eh ganun na eh, madali kasi tayo magpaimpluewensya nuon, hanggang ngaun naman diba? Pero marame din tayong natutunan noon. Dapat pala ndi nahihiya sa nararamdaman. Dapat pinapakita. KAso ang naging hadlang naman nun eh ung insecurities naten, dahil sa pagiisp na pangit nga tayo. Nabansagan pa tayong tibo dahil lang naman sa wavy naten na buhok na di naten alam panu imanage. Pero ok na din un mga pampakilig ng buhay. Mga break up na masakit sa heart pero dahil nuon pa man magaling tayo magpretend, di nila napansin un.Di nila alam na nasasaktan na pala tayo, na lalo palang lumiliit ang tingin naten sa sarili naten dahil sa mga ginawa nila. Alam mo un kasi ndi pa uso ang blog eh nasulat na naten un eh diba?

Andame na nangyare pati sa college at sa work. May mga insecurities ka man ay nalabanan mo naman ung mga un. Halos isang dekada na bago ko to nasulat sayo. Nawalan pa ng internet connection kaya ung una kong nasulat eh nabura lahat. Makakaranas ka ng maraming pagsubok sa buhay pero wala pa un sa mga naranasan ng ibang tao, lahat halos eh kinaya mo naman. Makakahanap ka din ng mga tunay na kaibigan mo at mahahanap mo din ang lugar mo sa mundo. Makikita mo ang isang bagay na ndi mo man inisip na magiging ikaw eh magiging ikaw nga at malaking kasiyahan talga ang naibibigay nito sa iyo.

Ipagpatuloy mo ang lahat ng ginagawa mo para sa sarili, sa pamilya, kaibigan at mahal sa buhay kasi dito ka tunay na nagiging masaya. Ndi man palaging nasusuklian eh atleast nakikita mo ang halaga mo sa mundo. Ipagpatuloy mo din ang pagkakawanggawa, madalas na mahihinto ka pero kelangan mong mahanap ang tunay na inspirasyon para mapagpatuloy un.

May makikilala kang magpapakilala sayo sa tunay na ikaw. Na worth kang mahalin at tanggapin. Malalaman mo din yan sa sarili mo dahil ikaw mismo ay magiging kumportable sa kung sino ka man. MAkikita mong ndi mo na kelangan gumawa ng malalaking bagay para mapasaya sila.

Mag commit ka sa isang sport, isang instrument,hobby o anuman. Takot ka kasi sa commitment kahit nuon pa kaya wala kang naging magaling o wala kang napagstayan eh. Yan ang hirap sayom andale mong magsawa. Pero ndi ka nman natatakot na tumaya, un lang ang naging magandang epekto nun.

Anyway, dito nalang muna. Gusto kong malaman mong lahat ng naging desisyon mo sa buhay eh naging maayos din naman ang kinahinatnan. KAsi eto pa naman ako eh, ok pa.. hindi lang pala OK, MASAYA.:)

Sa iyo,
Jho 26 taon gulang

Thursday, April 14, 2011

soon#2

 Sugarfree's Greatest Album!!!! Will get one soon!:) 
Remembrance ng college soundtrack namen nila Ayi.:0 Lets do this!:)

Tuesday, April 12, 2011

ASK LOVE AND LIFE: Kelan mo nalamang maganda o gwapo ka?

Ngaun na lang muling nabuklat ang usapan tungkol sa “scar” na meron ako. Kung kilala mo ako malamang ndi mo na itatanong kung ano at saang scar ang tinutukoy ko. Malamang nga kahit mga taong ndi nakakikilala saken eh agad naman maituturo ang tinutukoy ko. Sa buwan na to dalawang beses muling nabanggit o napagusapan ang scar ko. Una ay nang may nagbanggit na isa kong kaopisina na ang kelangan ko nalang baguhin sa mukha ko ay ang scar ko(Disclaimer: Sa iyo, ndi ako nasaktan nang sinabe mo na un ha?kelangan lang masabe ditto para maintindihan ng mga mambabasa ko.haha) At pangalawa, ay ngaung araw na ito, nang biglang magkaron ng usapang “kelan mo nalamang maganda/gwapo ka?”

Huli akong sumagot ng tanong na un, siguro dahil sa ako ang nasa dulo ng pagkakasunod sunod ng upo, o dahil sa hirap lang siguro silang itanong saken un. Pero anuman ang dahilan, wala pa man saken ang tanong alam ko na agad ang isasagot ko.

Ngaun ngaun ko lang nalaman na maganda ako. (sabay tawa) ang naisagot ko. Pero totoong ito ang naramdaman ko. Kasi nito ko lang talga natanggap o pinaniwalaan na “maganda” ako. (disclaimer ulit: sa konteksto at depinisyon ko yan ha?)

Bakit? Maliban sa mas madameng maganda talagang babae sa mundo ay ang natatanging dahilan lamang naman ay dahil nga sa may scar ako sa ilong. Kahit sino naman eh magsasabeng kasiraan sa pisikal na anyo ang mga scars. Bakit naman magaabala ang mga siyentipiko, cosmetologists, at mga make up artist na gumawa ng paraan para itago ang mga scars kung hindi nga ito kasiraan diba. At un naman din talga ang aking paniniwala.

Matagal na akong kinain ng insecurities ko dahil sa scar na ito. Ito din marahil ang isang dahilan kung bakit nagsikap ako sa pag aaral. Na kahit paano ay ginustong kong maging maalam o matalino o masipag para kahit anuman ang itsura ko ay mailalaban ko naman ang utak ko. Sabe nga kung ndi pwede lahat pwede naman isa lang ang meron ako.

Nang mapagusapan un, nagbalik ang lahat ng ala alang nagpatunay na nasira ang ganda ko dahil sa scar ko.

Case in point #1: Grade school. Tinawag akong Dodong. Bakit? Kasi may pelikula nuon na ang title ay Dodong Scarface. May scar kasi sa may pisngi un. Alam mo na kung bakit un ang tawag saken diba?

Case in point #2: Mga Bagong Tao. Lahat ng bagong taong makilala ko na mas matanda sa akin eh lageng nagtatanong kung anong nangyare saken. Pag naipaliwanag ko na ang lahat, ang tanging reaksyon na sasabihin nila ay “sayang, maganda ka pa naman sana”. Sa isip isip ko, “So ndi pala ako maganda ngaun?”

Case in point #3. Maganda ang bestfriend ko since highschool. Kelangan ko pa bang ipaliwanag yan?

Case in point #4. College. May ilang mga taong ginawang tampulan ng katatawanan ang scar ko, pero nakaharap naman ako. Hindi nila sinasadya un, mga loko lang talaga sila.:) May nagsabeng akala daw nya eh bakat lang sa pagkakatulog ko, ang ilan naman eh baka daw kasi nagpanose lift ako.

Yan na muna ang mga examples na sasabihin ko sa iyo. Ilan lamang yan sa mga bagay bagay na nagpatunay saken na ndi ako maganda. Pero wag mong isipin na wala kong ginawa para subukang alisin ito, kasi meron.

Habang tumatanda akong kinakain ng natatago kong insecurities eh isa lamang ang napagsasabihan ko nito. Ang aking journal. Sa huling pahina nun, nakasulat kung gano ako kagalit sa sarili ko dahil sa scar na meron ako, na kung sana wala ito sana normal ako, sana maganda ako…

Nabasa un malamang ng nanay ko kaya biglaan isang araw sinabe nyang ipaayos na daw namen ang scar ko. Hindi ko man siya naisip eh ndi ko itatangging natuwa ako sa posibilidad na maging normal o sa usaping ito maganda.

Dalawang attempts. Una sa isang salamat po, dok na doctor. Sinabi nya sa pinakarude manner na alam nya na wala na akong magagawa at lagyan ko nalang daw ng concealer. Lumabas ako ng clinic nyang akala ko ayos lang ako, pero nung tanungin na ako ng ate ko, ndi ako nakasagot kasi parang isang kandilang pinatay ang nakita kong pagasa.

Pangalawa, sa Belo Medical group, sabe kasi nila kaya nila lahat, pero nagkamali ako, sinabeng ndi na daw mababago dahil sa maaring madeform lang ang ilong ko kung susubukan pa itong gawin. Mas napansin pa nila ang mga problema sa muka ng nanay ko kesa sa inilapit naming problema sa kanila.

Kaya ndi mo masasabeng wala akong ginawa para mabago ang pangit kong mukha. Nakakalungkot man, pero mamamatay na akong meron nito.

Dito naisip ko na kung sinuman ang taong kaya akong tanggapin na may scar ay tunay kong kaibigan. Nakakagulat man pero ang mga kaibigan ko ngaung matalik eh sa pgkakaalala ko ay never nagtanong kung ano ang nangyare dito.

Ganun din naman sa buhay pagibig. Ndi naman ako ung taong naliligawan ng sandamakmak na lalake, ndi ako ang crush ng bayan na tipo ng tao, ndi ako pansinin. Kaya madalas noon naisip kong kung hindi man ako meant na magka asawa eh handa naman akong magampon. Naisip ko din na kung sinuman ang lalakeng kaya akong tanggapin, mahalin at pakasalan ng may ganito ay maaring tunay na pag ibig na nga ang nararamdaman para saken.

Hindi naman nawala ang mga insecurities ko sa scar ko. Araw araw ay isang reminder ito nang kakulitan ko at kahinaan ko bilang tao. Pero ndi ako nagpapatalo, dahil may mas marami akong magandang aspeto kesa sa scar na meron ako.

Thankful ako dahil ndi ako tigyawatin, na hind ako bungal, na kumpleto pa din ang mata ko, na ndi ako deformed tulad ng iba. Mas madaling dalhin ang kakulangan (kung kakulangan mang matatatawag) ang meron ako kesa sa ibang taong nagbibitbit ng mas mahirap na problema kesa saken. Ndi naman naging kabawasan ito para sa aken. Meron sigurong mga oportunidad na di ko pwedeng gawin tulad ng maging model, magkabillboard, maging flight attendant, atbp.hehe. Pero mas marame pa din ang oportunidad na ginawa, ginagawa at gagawin ko.

Marahil marameng taong nagiisip na napakafeeling ko kasi ina-assume kong maganda ako. Ndi naman ata masama un. Sabe nga nila Love your Own. Kung ndi ko kayang tignan ang sarili ko sa salamin na meron nitong scar na ito, sino pa ang makakatanggap saken. Ndi din naman ako naging paralisado sa mga pwede kong gawin bilang tao. Pareho pa din naman, ang kinaibahan lang, pag namatay ako nang walang ID eh madali akong ma iidentify. Dahil sa mundong ito ilan lang ba ang may scar sa ilong? Trademark kumbaga.


So kung matatanong man akong muli ng ganitong klaseng tanong, eh alam ko parin ang isasagot ko. Oo maganda ako, pero ngaun ko lang ito lubusang natanggap sa sarili ko. Kontrahin man ako ng iba e paniniwalaan ko pa din ito.


Ikaw, kelan mo nalamang maganda/gwapo ka?:)

Thursday, April 7, 2011

ASK LOVE AND LIFE:Totoo pala

Minsan naalala ko sa isang prayer session dito sa office, may nagkwento na lahat daw ng gusto nya ay isinusulat nya sa FB status nya, at surprisingly ay nagkakatotoo sila. Nung una ndi ako ganon kabenta sa ideya, kasi ndi ko din naman personalidad na maglagay ng mga bagay bagay na gusto ko out in the open for everyone to see.

Pero ngayon ko napapansin na maaring may katotohanan nga ang mga bagay na ito, kasi ngayon taon na ito, lahat halos ng gusto ko, na materyal na bagay eh nakukuha ko. Ang galing talaga, minsan palang akong nagsulat nun sa bulletin board ko sa kwarto. Hindi man lahat ng ito ay nagkakatotoo pero tingin ko unti unti nang ibinibigay ng mundo ang mga kahilingan ko.

Nagbalik saken ang libro ni Paolo Coelho na The Alchemist. Sabe dun, "whole universe will conspire to help you" parang ganun. tingin ko ganun na nga ata talaga. Ansaya lang.

Maliban sa sayang nararamdaman ko eh ang pagpapasalamat sa lahat ng ito.:) more to come please.:)

ANYTHING UNDER THE SUN: soon

Wednesday, April 6, 2011

ANYTHING UNDER THE SUN:blank

nang dumating ang araw na wala akong masulat.. sayang ang mga nakaraang araw na naguumapaw ang mga ideya sa utak ko na parang gripong nawalan ng handle bigla at may napakalakas na tagas.

nanumbalik na naman ang panahong ayaw na magtype ng kamay ko, ayaw din magcheck ng mga papel na dapat ko nang bigyang pansin. Ni ndi ako makasulat ng mga bagay na nangangailangan na ng agaran kong atensyon dahil ang susunod na kabanata ng buhay ko ay nakasalalay sa bagay na un.

hay buhay.

Friday, April 1, 2011

ANYTHING UNDER THE SUN: i heart robots

TRAVEL MARVEL:Looking forward to my Summer 2011

1. CWC Camarines Sur with NSTP Facis
2. Caramoan Island (extended vacation)
3. Borawan, Quezon with Super Ayi and Super Bri

Beach, Sun, and Sand, I'll see you soon.:)


ANYTHING UNDER THE SUN: Di na KaWILLIE WILLIE si Willie

Matagal na akong ndi natutuwa kay Willie Revillame. Inisip ko dati kasi, fan ako ng Eat Bulaga, at simula nang labanan niya ang favorite noontime show ko eh nabwisit na ako sakanya. Andame na nyang nagawang kabulastugan at kalokohan pero surprisingly ay ndi siya kelanman naparusahan. Madalas pa nga na siya ang mayabang pa pagkatapos ng kung anumang kontrobersiya sa kanya. At ngaun may bago na naman siyang kontorbersiya na kahit sino ata eh ndi dapat matuwa o ipasawalang bahala ito. Ndi na ako magsusulat ng detalye ng nangyare sa isyu na ito. Mas magandang panuorin nyo na lang ang be the judge of it. Hay, sana this time ndi na siya mapawalang sala.

Write up on Willie Revillame

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...