Sa buhay anong kaya mong itaya? Kung ang buhay ay isang laro, anung kaya mong isugal? Maaring ang iniisip mo eh usapang pag-ibig ito. Sa totoo lang, nagkakamali ka. Hindi na usapan ng puso ito. Madame na akong nasulat tungkol dito, at sa estado ko ngaun wala pang kumukurot sa puso ko. (segway lang)
Sa totoo lang, nainspire lang talaga ako sa isang kanta ng Up Dharma Down na Taya. Pero ang tema nung kanta eh tungkol sa pagmamahal. Pero nairelate ko ito sa cause ng mga magsasaka at mangagawang bukid ng Hacienda Luisita.
Taya by Up Dharma Down
Sa ilang dekada na, tingin ko lang sila na ata ang may pinakamalaking sinugal at itinaya sa laban nila, o naten. Mula nung 1957 na kinuha ng mga Cojuangco ang lupa na totoo namang kanila ang lupa, sa pagkitil ng buhay ng ilang mga magsasaka nung masaker, at pati na ang mismong mga susunod na henerasyong magtutuloy ng nasimulan na ng mga nakatatanda sa kanila.
Para sa kapirasong lupang hinihingi nila sa mga Cojuangco Aquino ay isinugal nila ang kanilang mga buhay, pati na ang kalayaang mabuhay na walang takot na minsan isang araw ay bigla nalang may kukuha sa kanila na kikitil ng kanilang buhay. Patas na karapatan lang naman ang kanilang nais. Karapatang mabuhay na ndi nangangambang bukas ay wala na silang makakain, na ang bawat anak nila ay may oportunidad na makapag-aral sa isang maayos na paaralan, na maibigay sa pamilya ang buhay na magaang at masaya.
Araw- araw sa buhay ng bawat magsasakang nakausap ko sa Hacienda Luisita ay laging nakataya.
Pero kahit ni isang beses, ndi ko sila nakitaan na takot. Takot na magdudulot na atrasan o bawiin ang kanilang isinugal.
Salamat at handa kayong isugal ang lahat ng iyan. Hindi lang para sa inyo at sa inyong komunidad, ngunit pati sa akin na umaasang magtagumpay ang sugal na iyan.
Susugal na din ako. Kayo? Handa na ba kayong sumugal?
No comments:
Post a Comment