Nuffnang Code

Tuesday, March 31, 2009

03/31/09

Ang sakit ng puso ko…

oo. may ginawa akong mali, di ako nagpaalam nung binuksan ko ung email. I didn’t mean any harm talga nung binuksan ko ung email.

Ang pagkakamali lang siguro ndi na nga ako nagpaalam meron pa akong ginawang mali.. isang isyung matagal nang napagusapan, madameng beses nang napagawayn. Eh wala naman talga akong intension na masama.. gusto ko lang malaman nila kung anung mangyayare. Hindi para magimply ng kahit anu pa man..

Alam kong mali ang nagawa ko. I admit that! Nasasaktan lang talga ako dahil siguro sa alam ko na mali ang ginawa ko pero nagtangatangahan ako at nalimutan ang tama kong dapat gawin.

Alam ko mali, pero ung reaksyon at mga nasabe nya medyo masakit. Parang may kumurot sa damdamin ko na nagsabeng, “ikaw kasi masyado ka nang comfortable! Hindi lahat ng bagay porket kayo eh conjugal na.” Kahit ganu ko sabihin na ndi na ako mangingialam ng kahit na anong gamit nya, andun pa rin ung kirot ng katangahan. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ng puso ko, parang gsto kong umiyak at sumigaw. Gusto kong magtago sa ilalim ng mesa kinalalagyan ko ngaun.. gusto kong iatras ang kamay ng oras par asana mas nakapagisip ako ng maayos at nakapagdesisyon ng mas mahinahon. Ndi maintinidihan ang nararamdaman ko, para akong nanghihina at unti unting nawawalang ng paningin. Ansaket pero alam ko na ang sakit na ito ay dulot ng sarili kong kagagawan. Madalas talga tanga ako.

Ang sakit ng PUSO ko…

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...