Ang diksyunaryo ay ginagamit pag may salita kang hindi naintindihan. Ito ang ginagamit para mahanap ang kahulugan ng isang salita, ibig sabihin ung para magka sense ang isang pangungusap. Madalas ginagamitan naten ng context clues ang mga bagay bagay. Yung kahit ndi mo alam ung salita eh naiintindihan mo ang ibig nitong sabihin sa pamamagitan ng paraan ng pagkakagamit nito. Pero mas mahusay pa din ang makuha ang kahulugan ng salita sa pinaka tamang ibig sabihin nito.
Di naman tungkol sa diksyunaryo ito, ito ay tungkol sa kahulugan ng buhay. (wow, lalim). Ang ibig ko lang naman sabihin talaga eh dapat lahat ng ginagawa naten eh may malalim na kahulugan. Kahit anu pang gawain yan. Kasi pag may kahulugan ang bawat bagay mas may ownership, mas may laman ung ginagawa mo. Isa rin un sa tutulong sayo na bigyan ng kahulugan ang pagkatao mo.
Sa sarili kong karanasan, ginagawa ko ang mga bagay ng may dahilan, o may kahulugan. Lahat halos eh may kwento, may pinanggalingan kaya mas malalim ang pagtingin ko sa bagay na ginawa, ginagawa, o gagawin ko. Halimbawa, naglista ako ng 101 things to do in my life ko. Hindi dahil sa nakiuso ako o napanuod ko ung bucketlist na movie. Nauna sila bago ko pa to gawin. Ndi ko rin naman orihinal na ideya ang "101 Things to Do in my Life" dahil nabasa ko lang din siya sa isang module na ginagamit namen para sa klase. Pinagawa ko ito sa mga estudyante ko konektado sa aralin namen on Goal Setting. Pinagawa ko sa kanila ng hindi ko pa siya nagawa. Naisip ko tuloy na tuwing nagsasabe sila saken ng kung ganu kahirap ito eh, dapat pala ginawa ko din para alam ko ung pakiramdam. (Light bulb) At yun na ang dahilan kung bakit ko sinulat yun. Una, para maintindihan ko ung naranasan ng mga estudyante ko at pangalawa dahil marami naman talaga ako gustong gawin sa buhay pero ndi ko sinisimulan. Ganun nga ang ginawa ko at ngayon, halos isang taon na eh masasabi kong marami akong natutupad sa checklist ko.
May laman. May kahulugan.
Ang kahulugan nito saken ay mas nakilala ko ang sarili. Nalaman kong ndi pala ako well-read na tao dahil andame ko pang namimiss out sa buhay. Dahil dun mas naging palabasa ako, at binibigyan ko ito ng oras. Nalaman ko din na hilig ko talaga ang pagtatrabel at kung anuman ay alam kong un ang isa sa mga bagay na nding ndi mawawal sa listahan ko.
Lahat ng nakasulat sa listahan ko ay may malalim na pingagalingan. Ang ilan sa mga ito magdidikta ng aking kinabukasan, ng career na gusto kong puntahan. Ilan din dito ay nagpapaalala sa akin ng aking kabataan tulad ng pagluto ng monggo at pagbisita sa aking lola. Mayroon din namang ilan sa mga nakalista na susubok sa aking tapang at pagkatao. May mga ilan namang para sa aking kasiyahan, tulad ng pag-aalaga ng isda at pagpapaayos ng bahay.
Lahat ng ginagaw ko ay may kahulugan. Kung kaya't nagiging masakit para saken na may isa sa mga ito na matapakan, magaya, o maiwalang bahala.
sentimental ako na tao. respetuhin sana ito.
Diksyunaryo. may laman. may kahulugan.
No comments:
Post a Comment