Nuffnang Code

Tuesday, May 10, 2005

Solusyon sa Problema...IKAW

It was 1933. I had been laid off my part time job and could no longer make my contribution to the family larder. Our only income was what Mother could make by doing dressmaking for others.

Then mother was sick for a few weeks and unable to work. The electric company came out and cut off the power when we couldn’t pay the bill. Then the gas company cut off the gas. Then the water company. But the Health department made them turn the water back on for reasons of sanitation. The cupboard got very bare. Fortunately, we had a vegetable garden and were able to cook some of its produce in a campfire in the backyard.

Then one day my younger sister came tripping home from school with, “We’re supposed to bring something to school tomorrow to give to the poor.”

Mother started to blurt out, ‘I don’t know of anyone who is any poorer than we are.” When her mother, who was living with us at that time, shushed her with a hand on her arm and a frown.

“Eva,” she said, ‘If you give that child the idea that she is “Poor Folks” at her age, she will be “poor folks” for the rest of her life. There is one jar of that homemade jelly left. She can take that.”

Grandmother found some tissue paper and a little bit of pink ribbon with which she wrapped our last jar of jelly, and Sis tripped off to school the nest day proudly carrying her “gift to the poor”

And ever after, if there was a problem in the community, Sis just naturally assumed that she was supposed to be part of the solution.
-EDGAR BLEDSOE
CHICKEN SOUP FOR THE WOMEN’S SOUL

Isa ito sa magagandang kwentong kasali sa librong Chicken Soup for the Women’s soul. Agad talagang tinamaan ang puso ko pagkabasa ko dito at narelate ko agad to sa current situation ng bansa. Di naman lingid sa kaalaman ng marami na punong puno na ng problema ang Pilipinas. Madalas na may mga nagwewelga, pagtaas ng langis at bilihin, pagkawala ng trabaho, pagkakasakit ng mga kabataan, paglaganap ng droga at marami pang iba. Madalas nating sisihin ang gobyerno (guilty ako pagdating dito), madalas tayong magmarunong at sabihing “dapat kasi ganito dapat ganun”, madalas nating ituro ang ating mga kamay sa kapwa nating pilipino, minsan din idinadamay naten ang mga foreigner sa problema ng bansa.

Minsan naisip ko kung lahat lang tayo sana magtutulungan sa pagiging solusyon sa problema kesa makisawsaw pa sa rumarami nating problema, ay magkakaroon ng mas malaking pag asa ang bansa. Tulad na nga ng sinabi sa istorya na kung itatatak naten sa isip ng mga kabataan na mahirap sila, malamang nga na hanggang paglake nila ay maging ganun ang kinahinatnan ng buhay nila. Sabe nga na “No man is poor as to give nothing” di eksakto ang salita ko jan pero yan narin ug kahulugan nun. Ibig sabihin lang nun na lahat ng tao may kayang ibigay sa kapwa nya ganu man kahirap and tingin nya sa buhay nya. Itinuro saken ng mentor ko sa bolunterismo na hindi naten pwedeng ilagay ang lahat ng sisi sa mga mahihirap sa sitwasyon nila, madalas kasi sinasabe naten na kaya hindi umaasenso ay dahil tamad at walang ginawa sa buhay kundi ang magpalaki ng tyan. Sabe nya saken na ang lipunan din kasi ang naglagay sa kanya sa ganung kalagayan eh. Kaya nga andito tayong nakakaangat ng kaunti sa buhay eh para tulungan silang umangat din.

Sa madaling salita, kaya ng Pilipinas umasenso kung lahat ng tao iisiping solusyon sya sa problema. Alam kong lahat tayo ay may magagawa para sa ikaaayos ng bansa. Di naman kinakailangan pang maging isang politiko para makatulong eh, sa simpleng paraan lang makakaya natin ang lahat. Malamang sasabihin mo saken na isang malaking cliché na ang sinabi ko kaya bibigyan kita ng mga halimbawa ng pwede mong magawa: magdonate ng lumang libro sa SM, EVER o kung san mang merong donate-a-book, pag kumakain ka sa jeep kesyo kendi pa yan o lanzones itago mo sa bag mo ung basura hindi ung itatapon mo sa highway, abutan mo ng isang tshirt ung nagbobote dyaryo sa may inyo, taniman mo ng halaman ung lata ng sardinas o di naman eh ibenta mo, kung naghihintay ka ng pinakamadaling sagot eh di pairalin ang konting disiplina, sumunod ka sa mga simpleng batas sa daan at syempre konting konsiderasyon at respeto sa kapwa tao. Dagdagan mo pa ng kaunitng pagmamahal sa sarili, kapwa at bansa at sigurado akong uusad ang bansang Pilipinas. Hindi man mabilisan pero malay mo.. sa isang iglap magbago ang lahat at dahil un sa pagiging solusyon mo sa problema ng lipunan.

Itatak mo: Solusyon ka ng Pilipinas.

1 comment:

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Lazada Indonesia