“Wala na.. wala nakong magagawa dyan. Baka lalong lang lumala..”
Pinigil ko ang luha, pinigil ko ang aking emosyon. Nagsasalita sya pero parang wala na akong naririnig. Nakatingin ako pero wala akong nakikita.. unti unti atang dumidilim ang ilaw, ilaw nga ba o ang mundo ko? Katapusan na ba to ng mga inaasahan ko? Hanggang dito na nga lang talaga siguro.. pinilit kong maging matapang inisip ko cia……ang Diyos. Papasanin ko na ata talaga to habambuhay.. ito ang ibinigay, siguro ito ang dapat tanggapin..
Di ko maiwasan masaktan.. umasa ako.. nangarap.. inakala kong magiging maayos ang lahat.. inasahan ko ang malaking pagbabago.. pero sa mga katagang sinabi nya unti unti nyang nilusaw ang magandang pangarap ko.. unti unting dumilim ang makulay kong panaginip. Napalitan ng lungkot ang saya ng unang balita.. masakit.. akala ko magiging maganda na ang mundo ko.. wala na eh.. wala na syang magagawa.. di ko to pinilit dumating lang saken.. tinanggap ko, pinaasa ko pero bigo ako..
Bigo pero babangon…
Dinikta na ng mundo ang dapat kong pasanin..
Diyos ang nagbigay saken..
Partida lang!!!!!!
No comments:
Post a Comment