Nuffnang Code

Wednesday, August 10, 2005

One Big Fat Lie

It’s my fault. I knew it right from the start but I “overlooked the obvious”. I placed myself vulnerable to pain and it’s killing me now.

Not one moment was true, not a single word uttered was real, no feelings were ever genuine..

It was all a big fat lie…

Happy now?

Saturday, August 6, 2005

......

Simple lang gusto ko sa buhay.. maging masaya.. sino ba naman may ayaw ng ganun diba.. pero minsan may mga bagay na nagpapasaya sayo pero hindi na tama. Panu mo ba malalaman kung dapat nang itigil ang isang bagay? Sa totoo lang, hindi mo malalaman, kusang darating sayo ung dahilan para itigl na kahit alam mong masasaktan ka.. bigla mo nalng sasabihin.. ayoko na tama na.. at magdedesisyon kang ayaw mo na talaga.. pero diba may maliit na parte sa puso mong umaasang babalik ung dati? Kaso hindi na ganun ang sitwasyon eh, kasi maraming nandididikta,minsan umaayon na sayo pati sitwasyon na itigil na nga..nawawalan ka na rin ng dahilan para sumama sa kanya..parang mas marami ang hindi umaayon kesa sa umaayon..pero alam mong masasaktan ka.. pero bat mo parin pinili ung daan na un? Kasi gusto mong malaman ng mundo ang halaga mo,para ipahiwatig sa mundong hindi naging patas ang pagtrato nito sayo, para maramdaman mong hindi ka lang malaking espasyo sa mundo, na pinanganak ka para kailanganin ng mundo..

Hindi sa lahat ng pagkakataon kaya ng tao na ipaglaban ang bagay na mahal niya.. siguro kasi hindi na siya makahanap ng matimbang na dahilan para lumaban.. at nagmumukhang wala na rin patutunguhan kung lumaban pa..

Siguro hanggang dito nalang talaga ung kwento..

Pero sinisugardo ko na naging magandang kwento ka sa buhay ko…

Thursday, June 2, 2005

Insensitive

I feel betrayed..

I feel dumped..

I feel lied to..

I feel foolish..

I feel bad..

I feel fucked up..

I feel trashed…

I feel taken for granted…

I feel hopeless..

Time passes…

People change…

I HATE YOU!!!

Tuesday, May 24, 2005

Siya lang kasi ang MAGALING

Siya lang ang kasi MAGALING

Panong nakalipad ung eroplano sa langit…
SIYA LANG KASI ANG MAGALING..
Panong nakakalutang ang barko sa karagatan..
SIYA LANG KASI ANG MAGALING
Paano nagkakulay ang mundo…
SIYA LANG KASI ANG MAGALING
Paano nakakasend ng mga text sa ibat ibang cellphone..
SIYA LANG KASI ANG MAGALING
Paano naisip ang magbuo ng daan, tulay at eskinita?
SIYA LANG KASI ANG MAGALING
Saan nanggaling ang mga letra, at salita?.
SIYA LANG KASI ANG MAGALING
Saan nanggaling ang mga ibon at isda at iba pang mga halaman..
SIYA LANG KASI ANG MAGALING
Saan nagpupunta ang araw paglumulubog ito
SIYA LANG KASI ANG MAGALING
Saan nagsimula ang internet at mga gadgets
SIYA LANG KASI ANG MAGALING
Saan nagpupunta ang tao pag namatay….
SIYA LANG KASI ANG MAGALING
Bakit pumapatak ang luha..
SIYA LANG KASI ANG MAGALING
Bakit nakapikit pagnatutulog…
SIYA LANG KASI ANG MAGALING
Bakit tumatanda…
SIYA LANG KASI ANG MAGALING
Bakit kelangan ng egg cell ni sperm cell..
SIYA LANG KASI ANG MAGALING
Bakit gagawin pa kung mali pala..
SIYA LANG KASI ANG MAGALING
Bakit nagtitiis kung naghihirap…
SIYA LANG KASI ANG MAGALING
Bakit madameng tanong na walang kasagutan…
SIYA LANG ANG MAKASASAGOT..
SIYA LANG KASI ANG MAGALING..

*kilala mo na ba?

A Light form Veronika

“What does it mean to be crazy?”

“ Anyone who lives in her own world is crazy. Like schizophrenics, psychopaths, maniacs. I mean people who are different from others.”

“ On the other hand, you have Einstein, saying that there was no time or space, just a combination of the two. Or Columbus insisting that on the other side of the world lay not an abyss but a continent. Or Edmund Hillary, convinced that a man could reach the top of Everest. Or the Beatles, who created an entirely different sort of music and dressed like people from another time. Those people and thousands of others-all lived in their own world.”

Ang mga katagang ito ay matatagpuan sa libro ni Paulo Coelho na Veronika Decides to Die. Asa mental hospital ung tauhan nito at may kausap syang “mental patient”. (di ko na ikwekwento kung ano ung summary ng nobela ha) kung iisipin parang hindi sa isang “sira ulo” nanggaling ang mga salitang ito di ba? ‘Coz it all makes sense. Lahat ng taong binanggit nya dun may pagkakaparepareho.. hindi lang ung parepareho silang sikat kundi lahat sila eh hinushagahan ng taong “crazy”. Ibat ibang larangan pero isa ang nais ipahiwatig, oo, may pagkasiraulo nga sila. Pero hindi bat lahat naman un eh napanindigan nila at ngaun isa na sila sa mga taong nirerespeto sa kani kanilang field of expertise.

Sa madaling salita lahat ng tao may kanya kanyang “craziness”. Habang binabasa ko nga un eh narealize kong totoo ito sa buhay ko. Ako man ay may sariling sira sa ulo, sariling mundo, pero hindi ako autistic ha.. hehehe… sariling mundo kung saan malaya ako, kung saan pwede ko gawin kung anuman nais ko, kung saan pwede akong maging ako. Pwede lahat kasi walang manghuhusga, walang mananakit, walang makikialam. Hindi lang sa sarili kong mundo ito nararanasan kasi ang mundong yun minsan nageextend sa mga kapatid, pamilya, kaibigan at mahal ko sa buhay. At ung “craziness” na un merong magandang kinakalabasan. Minsan ung craziness na tinatawag ko eh nakukuha ko din sa mga taong kapareho ko ang sira sa ulo.ibig sabihin nagkakaintindihan dahil parepareho ang wavelength ng sira namen sa turnilyo, at ang pagkakaparepareho na un ang naguugnay samen palapit sa isa’t isa. Subalit, hindi maiiwasang may makakasalamuha kang iba ang sira ng ulo.. ito ung sinasabing di pagkakaintindihan, di naman kasi lahat ng sira sa ulo isa lang ang pinaggagalingan eh. At dahil dito nabubuo ang salitang “respeto”, kelangan nateng tanggapin na hindi lahat tayo ay may iisng wavelength sa utak, pwedeng ung sayo extreme pwedeng kanya ung extreme. And only in respect, can we nutheads co-exist.” Basta kanya kanyang trip at kanya kanyang mundo.

Para sa mga kaibigan kong kapareho ko nga sira sa tuktok, maraming salamat at mabuhay ang mga sira ulo ng tulad naten:
KC – ang promotor
Goks – ang kanyang nobyo
Ayi – ang laftrip partner ko
Soky – ang ever kalokang former dean ng COD (Corps of Drug addicts)
Arvin – ang nagladlad na mother
Nikki – the epitome of kaartehanJ
Rod – ang sosyal na mother
Jammy – ang lalakeng ayaw uminom..weh?di nga?
Temi – ang kaspectrum ko
Paolo – my oasis….

Trip to National Bookstore

Pumunta ako kanina sa NBS.. nagtataka ka kung anu un? Simple lang.. NATIONAL BOOKSTORE!!

Dumaan lang ako para tumingin ng libro at mga art materials.. andameng libro.. una kong nakita ung mga libro ni Bob Ong. Andun na ung bago.. kinuha ko bibilin ko na kasi eh. Tapos umikot pa ako. Andameng libro andame kong gusto bilhin kaso ang mahal eh. Wala akong pambili..

Naalala ko nung bata pa ko, pumupunta din kame ni mama sa national, binibili namen ung isang buong koleskyon ng mga libro. Puro fairy tale lang un, nakumpleto ko un lahat. Trip naman ng ate ko nun mga sweet valley na paperback, madame din kame nun. Paguwi sa bahay susulatan namen ng mga date un tapos isususlat namen sa notebook ung mga title. Tapos ididisplay na namen sa eskaparate.. Andame na nameng libro date, tapos tuwing bakasyon nagbabasa kame ng ate ko. Asteeg!

Kaso nung nagpaayos kame ng bahay, in-evacuate ung mga libro kasama nung eskaparate.. tapos tinapon ni papa ung mga libro.. Badtrip.. Sayang sana binigay nlang sa mahirap. Wala nang magagawa eh. Puro panghihinyang.. sayang kasi eh.. Simula nun nawala ung gana ko sa pagbabasa kasi wala na kameng libro eh.. at isa pa anjan na ang media.. puro telebisyon na lang kasi mas maganda kasi ang mga kwento dun, iba iba pa kada oras.. mas masaya un eh.. Pero kung sa TV nawala ang gana kong magbasa, sa TV ko din naibalik ang gana ko sa pagbabasa.

Isang gabe nanonood kame ng Gilmore Girls. Tungkol un sa mag nanay na parang magkapatid. Si Rory matalinong bata anak sya ni Lorelai. Mahilig sya magbasa at lage syang may hinihiram na libro sa library. Astig. Naalala ko tuloy nung elementary ako, Most Frequent Borrower ako sa eskwela. Naisip ko masarap magbasa.. ibang klaseng “high” ang dulot nun eh kaya simula nun bumalik ang hilig ko sa pagbabasa. Una kong binasa ung The Alchemist hanggang sa humaba na ang pila ng libro gusto kong basahin.

Kaya ngaung gabe pagkagaling ko sa NBS, nangarap akong magtayo ng sarili ko library paglake ko, at dapat lahat ng laman nun nabasa ko.. andame ko nang librong nakapila ngaun ata madame pa akong gustong mabasa.. pero dapat hinay hinay lang..

Yan ang epekto ng National Bookstore saken. Nagawa ko pang magreminisce diba!!!
NBS Rocks!!!!

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Lazada Indonesia