Nuffnang Code

Saturday, April 3, 2010

Galing sa Baol: PAGOD NA AKONG MAGING UNNGOY

Dahil Sabado de Gloria ngaun, naisipan kong maglinis ng kwarto para bukas Linggo na talga ng Pagkabuhay pati sa maliit kong kwarto. Tuwing naglilinis ako ndi maiiwasan ang mga alikabok na naglalabasan, mga basurang matagal nang dapat naitapon at ang mga sulat kong ndi ko na nagawang ipublish pa dito sa blogspot ko.

Eto ang una kong nakita, nakasulat sa yellow pad na malamang kolehiyo ko pa nung naisulat. Panahon pa ng Kurapson ni GMA un, alam ko meron pa rin naman ngayon pero ito yata ung kasagsagan ng isyu na un.

PAGOD NA AKONG MAGING UNGGOY

Ngayon, may hinaharap na naman tayong krisis pampulitika. Paikot - ikot na lang eh,una si Marcos, sumunod si Erap ngayon naman si Gloria Macapagal-Arroyo naman?!

Gusto na naman siyang i-impeach, ipagresign, ipa-oust. Lahat nalang ng pwedeng paraan para mapalitan siya bilang presidente.

Hindi ako Pro-GMA, o Pro-FPJ, o anti-GMA o anuman. Doon lang ako sa TAMA, doon ako sa ikauunlad ng bansa. Ayoko na ng rahas o ng isa pang EDSA, ng isa pang impeachment process. Nagiging stagnant na ang gulong ng buhay ng mga pinoy eh. Magbobotohan, paalisin ang presidente, papalitan, magrereklamo ang bayan, kakalabanin ng oposisyon, susunod ang masa, magkakaron ng hati ang mayayaman at mahihirap, tataas ang presyo ng langis at bilihin, maghihirap ang taong bayan, dagdag pasanin na naman sa maralitang pinoy.

Hindi ako eksperto sa political science, government or bureaucracy. (Sobrang dami na nilang may alam dun kaya di nako makikisali pa) pero sa tingin ko dapat nang TIGILAN ANG SIRAAN. Hindi porket nasa oposisyon ka eh wala ka nang gagawin kundi kontrahin ang administrasyon. Suporta at respeto lang naman sa tingin ko ang kailangan. Sa mga oposisyon, imbes na sinasayang nyo ang oras nya para hanapan ng mali ang administrasyon, bakit ndi nyo nalang igugol ang oras ninyo upang mas mapaunlad ant maiangat ang buhay ng bawat Pilipino. Sa ganun, mas may karapatan kayong magsabe na naiiintindihan ninyo ang mga tao. Kailangan nang unahin ang kapakanan ng ibang taong sadlak sa pagkabilanngo dahil sa kahirapan. Tigilan na ang pagyuyurak sa kapwa ninyo politicians.

Sa administrasyon naman, gawin ninyo din sana kung ano ang nararapat. Sundin ninyo ang atas na kayo din mismo ang gumawa. Huwag puro sariling interes lamang ang iniisip. Dapat lang na ibalik ninyo ang tiwalang binigay ng publiko sa paglalagay sa mga posisiyon ninyo ngayon.

Sa madaling salita, para sa lahat ng politiko. TRABAHO..AT MABUTING TRABAHO lamang ang kailangan. Protektahan sana ninyo ang kapakanan ng bawat Pilipino na inihabilin sa inyong mga kamay ang kanilang buhay. Ibalik naman din ninyo sa ating mga bayani ang ipinaglaban nila.

Para sa mga KAPWA KO PINOY, sana mapagod na tayo sa ganitong sitwasyon ng Pilipinas. Huwag nating ipagwalang bahala ang mga nangyayayari. Huwag naman sana tayong gumawa ng isa pang EDSA revolution dahil ndi na tama na sa tuwing may ndi tayo magugustuhan ay dadalhin natin ito sa kalsada. Nagmumuka na tayong mga unngoy sa international community at sa sarili nating bansa. Nagiging isa na tayong "Stage" kung san pinaglalaruan tayo at ginagawang larularuan. Sana makita naten na tayo ang solusyon sa problemang meron tayo ngaun. Ang bawat maliit na bagay na ginagawa naten ay makakaapekto sa pagunlad o pagbagsak ng bansa. Nailagay ang mga tao sa gobyerno ndi para alisin o i-magic ang lahat ng problema sa bansa, andyan lamang sila upang manguna. AT TAYO? TAYO AY NANDITO UPANG KUMILOS. UPANG ILAGAY SA ATING MGA KAMAY ANG SARILI NATING KAPAKANAN.
Tayo ang gumagawa ng ating buhay, ibig sabihin may magagawa tayo upang umangat at iangat kasama natin ang bansa.

Pagod na akong maging unggoy, sana ikaw din.

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Lazada Indonesia