Malapit na mag isang taon nang umalis ka.
Lahat kame nagulat sa nangyare. Di ko alam kung anung mararamdaman o iisipin kasi bigla lang nangyare lahat eh. Gusto kong intindihin ka pero ang hirap dahil isa lang ang naririnig ko kasi tahimik na ang boses mo.
Minsan nagkausap na tayo. Sobrang saya ko dahil akala ko lalapit ka na saken at magsasabe ng nanyare sayo. Pero nagkamali ako, ndi ko alam kung panu nangyare pero nagalit ka saken. Pinutol mo ang lahat ng koneksyon na maaring meron tayo. Simula noon, ang tanging alaala ko sayo ay sa mga larawan at kwentuhan naten noon.
Madalas naisip ko ndi siguro ako naging mabuting tagapakinig sayo. Ndi ko nakita ang pinagdaraanan mo. Ndi ko na gawa ang maging handa para sayo. Ndi ko inakalang mangyayare ito.
Ngaung araw na to, nakita kitang muli. Gusto kitang kausapin pero alam kong lalayo ka lang kapag nalaman mo kung sino ako. Masaya akong makitang maayos ka. May trabaho at mukang masigla naman. Kung asan ka man ngayon sana maalala mo din kame lalo na ang pamilya mo kahit paminsan minsa.
Ikaw kasi lage nameng naalala.... miss na kita. Miss ka na naming lahat.:(
No comments:
Post a Comment