Nuffnang Code

Monday, July 14, 2008

My college telltales:)

Tatlong taon na rin ang lumipas simula ng magtapos ako sa kolehiyo. Marami nang nagbago sa buhay pero may isang bagay na hanggang ngaun ay ndi pa nagbabago. Yun ay ang CSB, 3 taon akong naging estudyante ng paaralang un at ngaun bumibilang na ng pangalawang taon ko doon bilang guro. Kahit na maraming taon na ang lumipas napakasariwa pa din ng mga alaala ko ng mga kalokohan, laughtrip, sad tri, tsismis, awayan at kung ano ano pang trip nung college. Maraming mainstay sa buhay college ko at ilan sa mga ito ay hanggang ngaun kasama ko pa rin sa paglalakbay ko sa buhay. Sa tingin ko ito ang isa sa mga araw na nais kong alalahanin ang BUHAY College.

1. 1st day ng CSB life ko:
ORIENTATION:
Cast: KC Co, Rod Tan, Nicki Cabrera, Rachelle Ann Go

Orientation day noon, wala akong kilala nagkataon na nakatabi ko ang isang babaeng sobrang bibo na daldal ng daldal sa orientor namen, kung tama ang pagkakalala ko si Ate Kaye un. Una kong nakatabe ung babaeng un sabe ko grabe sa pagkahyper to lahat na ata kinakausap. Di naman naglaon nalaman ko din ang pangalan nya, (nakita ko kasing sinulat nya sa nametag) siya si KC Co, o Kathreeen Claire Co. Unang araw palang nang pagkakakilala namen eh hagalpak na agad ang tawa ko sakanya. kasi ba naman nagchichinese siya kasi katabe namen si Rachelle Ann Go (hindi siya ung singer kapangalan lang.) Dahil dun naging magkaibigan na kame. Sa tabe nya naman ay may isang neneng payat, na napag-alaman namen na Nicki ang pangalan, Nicolette Franchesca V. Cabrera sa totoong pangalan. Sa tabe naman nya ay si Rod Tan. Kame ung mga unang magkakausap nun nung orientation. For the record, akala nameng tatlo lalake ang ROD TAN. Pero nang tumawa na, aba, MOTHER PALA.:) peace.

Dun nagsimula na tuwing bago magklase eh nagkikita kita muna kame sa wendy's bago pumasok sa class.


2. Wendy's Meet up
Tulad ng sinabe ko un na nga nagkikita kita muna kame sa wendy's nun nila KC, Nicki, Rod, CJ at Carl (meron pang iba pero di ko na maalala kung sino sila heheh) para sabay sabay kame papasok. (grabe sooooo highschool). Ang blooper lang na naalala ko nun eh nung hinahanap namen ung Computer Lab, at ndi namen makita. grupo grupo pa kame nun kaya anjologs talaga.

3. Elevetaor Chase
Break ata nun may hinabol kame ni Nicki na lalake.. mula third floor hanggang fourth floor hanggang sumakay siya sa elevator, ang gwapo kasi.. turned out the guy was a girl.. MALIIIII!!!!:)

4. Madison
Isa sa popular tambayan ay ang dorm ni Nicki noon. Inom, addikan, tambayan, gawaan ng project o kung anuman. May isang beses na may inuman pero ndi naman talaga ako kasali nun na sobrang nagkalasingan na nalaglag daw sa hagdan si soky. heheh.

Meron din nang magtago si Faye sa likod ng aircon para humits...

Ang gorilla drama namen ni Soky, KC, at Nicki habang nanonood ng tennis sa Rizal. hanep overlooking kasi eh.

Ang dance showdown namen nila KC at Nicki sa mga nagtetennis pa din tuwing break time.

Nang muntikan nang manakawan si Nicki sa kama nya.. (alam mo na un Nicki!)

Nang mainis si nikki nang biglang nagdatingan ang L1W sa dorm nya ng walang pasabe.

5. Carl vs. CJ
*pasensya na sa dalawang sangkot. highlight kasi talaga ng college life ko to.

AESTHET time ng biglang may dalawang babaeng nagaway.
Ang drama: Si KC nanghamon na hawakan daw ni CJ ang tenga ni Carl kung matapang siya.
Bigla nalang sa likod namen....

Nagtulakan si Carl at CJ, nagsigawan... Si jammy syempre umawat, hinawakan si Carl sa braso at pinaupo *take note: Forced paupo un, in short walang nagawa si Carl kundi umupo*, isa pang highlight si Jiv, umupo at nanood while saying Grow Up!, kameng tatlo nila kc at nikki ni ndi sumubok mangawat, at ang pinakaHIGHLIGHT sa lahat, SI SIR AESTHET WALNG NAGAWA KUNDI MAGSABE NG GUYS!!!!:P

6. PE class
Nagmagsayaw kame nila Nicki, Kc at CJ ng I will survive para sa dance class. Kagulo lang kame nun.

7. Providence Tower
Past time namen noon nila KC at Nikki ang magpunta sa providence para magvideoke. Dun nauso ang pagkanta namen ng Lakas Tama ng parang walang bukas, dun ko nadiscover na alam ni Nikki ung Till death do us part ng White Lion, nang magkaroon ng kalove team si nikki with Chudie dahil sa kantang Another used to be, dun din nahasa ang acting skills namen ni KC nang magkunware kaming nagwawala at nagaaway sa loob ng videoke room at may nagcheck out sameng guard sa sobrang galing ng pagarte namen.

*to be continued*

3 comments:

  1. " Ang drama: Si KC nanghamon na hawakan daw ni CJ ang tenga ni Carl kung matapang siya." << panalo! tawang-tawa ako kse na realize ko na napaka kulit ko pala non. dahil din sainyo kaya naging makulay ang college life ko. da best kaio talaga!! =)

    ReplyDelete
  2. naalala ko rin, sabi ko, "JOJAY" ang dapat itawag saio. ayaw na ayaw mo non kasi sabi mo ampanget. hanggang sa nagpunta ang SUGARFREE sa benilde at sinabi ni EBE na astig ang JOJAY. haha! buti pa si EBE na convince ka. sakin, ayaw mo maniwala... =( aahahaha

    ReplyDelete
  3. ahahah.. pero ngaun naman jojai na pangalan ko noh!!! ahahah:)

    Thanks kesi!!!

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...