Tuwing bubuksan ko ang account ko sa facebook, hindi mawawala na laging mayroong bagong bagay na ginagawa ang mga friends ko. Madalas nagpapakita ito ng kasiyahan, bagong karanasan, at kung ano anong sitwasyong nagpapakita malamang ng isang malaking check sa kanilang mga things to do before i die.
Marame din akong mga things to do.. Unti unti naabot ko naman, paisa isa.. mabagal ang pagusad. Naisip ko anu nga bang dahilan na hindi ko malagyan ng malaking check ang mga ito gaya ng mga kaibigan ko. Napaisip ako, madalas kasi mahilig akong gumawa ng EXCUSES. Na ganito, ganun, na wala akong oras o busy ako o anuman. Pero ang katotohanan, wlang katotohanan ang lahat ng excuses na ginawa ko sa buhay ko. Kaya nga excuses ang tawag diba? Naghahanap ng lusot, naghahanap ng pwedeng iturong dahilan para di ko un magawa. Pero ang talagang dahilan marahil eh ndi ko talaga alam kung saan o ano ang tunay kong gustong gawin.
Sa totoo lang, lahat ng bagay gusto kong subukan, kung ano ang uso gusto ko magawa ko din, madalas sa larangan ng sports un. Pag nasubukan ko naman na masaya at kuntento na ako. Hindi ko nagagawang ipagtuloy tuloy ang anumang nasubukan ko na. Malamang nangagaling un sa prinsipyo kong gusto ko lang maranasan ang lahat, pag nagawa at nalaman ko na ang pakiramdam ng ganon, eh ok na ako. Kaya nga din siguro wala akong masabing isang bagay na magaling talaga ako. Pero pag tinanong mo ko kung nasubukan ko na ba ito o ito o ito, malamang nasubukan ko na nga.
Eh ano pa nga bang hinihingi ko? Hindi ko din alam. Sabe ko nga kanina pa hirap akong alamin kung anuman ang gusto ko sa buhay. Kaya kahit na andiyan na ang mga bagay na nagpapasaya saken, nararamdaman ko pa rin paminsan minsan, na may kulang. Naghahangad ako ng pansamantalang bugso ng dugo, gulat sa buhay, something out of the ordinary, isang bagong surpresa, isang bagong karanasan.
Alam kong mahirap akong ma-satisfy ng buhay. Napakalaki ng tingin ko sa buhay, at napakaliit ko kumpara dito. Pakiramdam kong napakadami pang maihahandog saken ng mundo, at parang uhaw na uhaw ako sa ganda at misteryong meron ito.
Masaya ako sa meron ako pero alam kong ang lawak pa ng mundong nagaantay saken. Siguro nga kahit naman paisa isa, kahit mabagal, kahit maliliit na check pa lamang ang nailalagay ko sa things to do ko. Ang importante ay mayroong check, maliit man o malake.. Check na magsasabing nilulubos ko ang buhay na meron ako.:)
pahabol: malungkot ako ng simulan kong isulat ito, pero nagtapos na may ngiti na ako:)
No comments:
Post a Comment