Letter to my 12 year old self
Dearest Jing,Sa panahon na mababasa mo ang liham na ito ay maaring pagraduate ka na ng grade school, at malamang ay iniisip mo kung star section ka pa ba next year kasi hanggang ngayon ay pinagdududahan mo pa rin ang galing at talino mo. Sino ba naman kasing ndi manliliit sa mga grado ng kaklase mo eh noh? Pero wag kang mag alala ang bawat grado na makukuha mo sa pag aaral ay ikakaproud mo naman. Marame kang magiging bagsak sa mga subjects at teacher na mahirap pero ganun pa man matututo kang magsikap sa pag aaral. Darating ang panahon na habang nag-aaral ka ng MAPEH eh nakakatulog ka na kasi ang nirereview mo eh tungkol sa drugs. Nakakaantok un dapat kasi wala nang written exam ang PE. Pero dahil sa mabuti ka namang estudyante nuon eh ginagawa mo ang lahat ng dapat mong gawin para pumasa. Magkakaline of 7 ka kay Ms. Suarez, pero kahit ganun eh marame ka namang matutunan sa kanya, maliban sa mga biomes na napanood mo sa required film shows nya eh matututo ka tungkol sa sarili mong pagkatao. Hindi rin hihinto ang pagiging magkakilala nyo sa highschool kasi magiging colleague mo siya pagdating ng pagiging teacher mo sa CSB. Isa siya sa mga naging highlights mo sa buhay kasi sakanya mo ata naramdaman lahat ng klase ng feelings ng isang student sa teacher. TAKOT un mostly at KABA sa tuwing tatawagin ka nya. Madalas din isa siya sa nagparamdam sayong ndi ka nga matalino. Pero naging ok naman ang buhay mo nung highschool, nagawa mo pa rin ang gusto mo, naging student council ka ulit kahit na naulit ang history nang matalo ka ulit sa third year. Alam mo na na mangyayare un eh pero sumige ka pa din. Popular kaya ung kalaban mo nun, si Cha.:) Pero kahit ganun pa man naging masaya pa din naman ang 4th year kasi Sangguniang MAg aaral ka pa rin naman, ikaw pa nga ang naging PRO? tama ba? ikaw ang nagsasalita tuwing angelus at morning prayer. Ok naman na tayo dun diba?:)
Maliban sa pagaaral, eh ndi naten matatanggi na naheart broken tayo nun, sa mga maling tao. Hanggang ngaun naiisip ko pa sila at natutuwa naman akong naging parte sila ng buhay naten. Sabihin mang mali, eh ganun na eh, madali kasi tayo magpaimpluewensya nuon, hanggang ngaun naman diba? Pero marame din tayong natutunan noon. Dapat pala ndi nahihiya sa nararamdaman. Dapat pinapakita. KAso ang naging hadlang naman nun eh ung insecurities naten, dahil sa pagiisp na pangit nga tayo. Nabansagan pa tayong tibo dahil lang naman sa wavy naten na buhok na di naten alam panu imanage. Pero ok na din un mga pampakilig ng buhay. Mga break up na masakit sa heart pero dahil nuon pa man magaling tayo magpretend, di nila napansin un.Di nila alam na nasasaktan na pala tayo, na lalo palang lumiliit ang tingin naten sa sarili naten dahil sa mga ginawa nila. Alam mo un kasi ndi pa uso ang blog eh nasulat na naten un eh diba?
Andame na nangyare pati sa college at sa work. May mga insecurities ka man ay nalabanan mo naman ung mga un. Halos isang dekada na bago ko to nasulat sayo. Nawalan pa ng internet connection kaya ung una kong nasulat eh nabura lahat. Makakaranas ka ng maraming pagsubok sa buhay pero wala pa un sa mga naranasan ng ibang tao, lahat halos eh kinaya mo naman. Makakahanap ka din ng mga tunay na kaibigan mo at mahahanap mo din ang lugar mo sa mundo. Makikita mo ang isang bagay na ndi mo man inisip na magiging ikaw eh magiging ikaw nga at malaking kasiyahan talga ang naibibigay nito sa iyo.
Ipagpatuloy mo ang lahat ng ginagawa mo para sa sarili, sa pamilya, kaibigan at mahal sa buhay kasi dito ka tunay na nagiging masaya. Ndi man palaging nasusuklian eh atleast nakikita mo ang halaga mo sa mundo. Ipagpatuloy mo din ang pagkakawanggawa, madalas na mahihinto ka pero kelangan mong mahanap ang tunay na inspirasyon para mapagpatuloy un.
May makikilala kang magpapakilala sayo sa tunay na ikaw. Na worth kang mahalin at tanggapin. Malalaman mo din yan sa sarili mo dahil ikaw mismo ay magiging kumportable sa kung sino ka man. MAkikita mong ndi mo na kelangan gumawa ng malalaking bagay para mapasaya sila.
Mag commit ka sa isang sport, isang instrument,hobby o anuman. Takot ka kasi sa commitment kahit nuon pa kaya wala kang naging magaling o wala kang napagstayan eh. Yan ang hirap sayom andale mong magsawa. Pero ndi ka nman natatakot na tumaya, un lang ang naging magandang epekto nun.
Anyway, dito nalang muna. Gusto kong malaman mong lahat ng naging desisyon mo sa buhay eh naging maayos din naman ang kinahinatnan. KAsi eto pa naman ako eh, ok pa.. hindi lang pala OK, MASAYA.:)
Sa iyo,
Jho 26 taon gulang