Nuffnang Code

Thursday, March 31, 2011

TEACHER'S TALE: Sa Ngalan ng Tubo Part 1


*Para lubusan maintindihan ang mga sinasabe ko magandang mapanuod ninyo ito.*

Part 1
Part II
Part III
Part IV

TEACHER'S TALE:Taya

Sa buhay anong kaya mong itaya? Kung ang buhay ay isang laro, anung kaya mong isugal? Maaring ang iniisip mo eh usapang pag-ibig ito. Sa totoo lang, nagkakamali ka. Hindi na usapan ng puso ito. Madame na akong nasulat tungkol dito, at sa estado ko ngaun wala pang kumukurot sa puso ko. (segway lang)

Sa totoo lang, nainspire lang talaga ako sa isang kanta ng Up Dharma Down na Taya. Pero ang tema nung kanta eh tungkol sa pagmamahal. Pero nairelate ko ito sa cause ng mga magsasaka at mangagawang bukid ng Hacienda Luisita.

Taya by Up Dharma Down

Sa ilang dekada na, tingin ko lang sila na ata ang may pinakamalaking sinugal at itinaya sa laban nila, o naten. Mula nung 1957 na kinuha ng mga Cojuangco ang lupa na totoo namang kanila ang lupa, sa pagkitil ng buhay ng ilang mga magsasaka nung masaker, at pati na ang mismong mga susunod na henerasyong magtutuloy ng nasimulan na ng mga nakatatanda sa kanila.

Para sa kapirasong lupang hinihingi nila sa mga Cojuangco Aquino ay isinugal nila ang kanilang mga buhay, pati na ang kalayaang mabuhay na walang takot na minsan isang araw ay bigla nalang may kukuha sa kanila na kikitil ng kanilang buhay. Patas na karapatan lang naman ang kanilang nais. Karapatang mabuhay na ndi nangangambang bukas ay wala na silang makakain, na ang bawat anak nila ay may oportunidad na makapag-aral sa isang maayos na paaralan, na maibigay sa pamilya ang buhay na magaang at masaya.

Araw- araw sa buhay ng bawat magsasakang nakausap ko sa Hacienda Luisita ay laging nakataya.

Pero kahit ni isang beses, ndi ko sila nakitaan na takot. Takot na magdudulot na atrasan o bawiin ang kanilang isinugal.

Salamat at handa kayong isugal ang lahat ng iyan. Hindi lang para sa inyo at sa inyong komunidad, ngunit pati sa akin na umaasang magtagumpay ang sugal na iyan.

Susugal na din ako. Kayo? Handa na ba kayong sumugal?

Wednesday, March 30, 2011

TEACHER'S TALE:Pagtuyo ng Luha

Ilang beses ko nang binalak magsulat tungkol sa karanasan ko sa Hacienda Luisita, pero tuwing gagawin ko eh napanghihinaan ako ng loob sa pagiisip na maaring ndi ko mabigyang hustisya ito sa blog na to.

Pero mahina man ang loob ko eh eto na nga ako at nagsusulat na. Pang-apat na balik ko na sa Hacienda Luisita nitong nakaraang linggo. Nakakagulat man, pero sa pang- apat na pagpunta ko dun eh, ndi pa rin ako tinakas ng pagluha ko. Sunday na noon eh uuwi nalang kame, pero dahil sa teacher nga ako eh hindi naman maaring wala akong sabihin sa klase ko. Dun na lumabas ang lahat ng saloobin ko.

Saloobin ukol sa pagiging guro kong napanghihinaan din ng loob, sa mga attitude ng estudyante ko, ako bilang nagtitiwala sa adhikain ng mga farmers ng Hacienda Luisita, at ako bilang tao.

Sa kahit anong aspeto man natin tignan, makikita sa bawat pagpunta ko dun, sa bawat salita ng mga magsasakang nakilala ko, sa estado ng kabuhayan, edukasyon, at kalusugan ng mga tao dun, masasabe natin agad, walang patumpik tumpik, na "OO, may mali nga talaga!" At malungkot man sabihin na ang MALI na ito ay nakakaapekto sa ilang libong tao. Hindi namimili ang MALI na ito ng edad, kasarian, kulay, katawan, atbp. Basta taga Hacienda Luisita ka eh kasama ka sa epektong dala ng MALI na ito. HIndi ako eksperto sa pagexplain ng nangyare sa kanila, pero tiyak kong naiintinidhan ko ito ng malinaw na malinaw. Sa kahit na ano pang anggulo tignan, ndi kelanman naging tama ang mang abuso, mangamkam, at pumatay ng tao, literal man o ndi.

Lupa lang naman ang sigaw ng bawat isang nakausap ko sa Hacienda. Ndi nila kelanman binanggit saken na gusto nila ng magarbong bahay, mamahaling sasakyan, o kung anu pa mang luho sa mundo. Napaka basic lang naman talaga ng gusto nila, makapagsaka ng sarili nilang lupa, kalayaang makapagtanim, umani, kumain, at kumita sa tamang paraan. Paraang alam nila.. at un ay ang pagsasaka.

Isa sa mga ndi nagfafail na magpababa ng luha ko ay ang mga batang naisasakripisyo ang kanilang pag-aaral, dahil sa ganid ng iilang matataas na tao. Nitong weekend nakilala ko si MJ, andun kasi siya nakatambay sa bahay ni Tatay Jerry. Nagpapractice siyang magbasa, eh dahil sa teacher ako, ginuide ko siya sa pagbabasa. Magaling na siya magbasa, at ang binasa nya nun ay isang bukas na liham tungkol sa kaso ng mga mangagawang bukid sa Hacienda Luisita. Binasa nya ito buong buo, pero nung tanungin ko siya, ndi niya alam kung saan ang Hacienda at kung sino ang sinasabe sa binasa nya. Ni hindi nya alam na siya mismo ang dahilan kung bakit may sulat na ganun. Para sa kanya ang bukas na liham na un. Pero dahil sa maling sistema ng pagpapalakad sa hacienda, wala siyang kamalay malay na para saknya pala ang laban na iyon.

Hindi pa tapos ang laban. Laban ndi lamang sa lupa. Laban para sa kinabukasan na di lang iilan sa mga tao ng Hacienda Luisita pero para sa buong sambayanan. Madalas akong magtaka kung anong maari kong iambag sa laban na ito. Wla naman akong talentong tulad sa mga manunulat, manunula, mga artist na may maitutulong sa laranagan ng arts. Di rin ako aktibista at ndi ko din ata kakayanin ang buhay nila dahil napakahirap. Saan nga ba ako tutulong? Paano?

Sa matagal na panahon, ndi ko nakita na ang sagot pala sa tanong ko ay nasa harapan ko na, limang taon na ang nakalipas. At ito ay ang pagiging guro ko. Isa akong guro na may kakayahang dalhin sa loob ng klase ang mga nalalaman ko. Kakayahang imulat ang mga kabataan sa totoong laban ng mga tao. At ito ang gagawin ko.

Kasama ng pagkilos ay ang paniniwala kong kailanman ay hinding hindi mauubos ang luha ko para sa kanila.

Wednesday, March 23, 2011

Ang mga Lalake talga, OO!

( Sagot sa naunang post. Galing ulit sa computer.:) )

Kaming mga babae na naman ang nakita. Lalake, agrabyado. Lalake, kinakawawa. Lalake, hindi maintindihan. Hmmp, parang masyado yatang nagisa ang mga kabaro ko. Tungkol sa pagiging patas sa ngalan ng pag-ibig, kami naman ang laging talo a, hindi kayo. Kami ang laging lugi, kami ang laging nawawalan at iniiwan.
Kapag ngumiti ka na ng konti, nag-ayos ng konti pagkakamalan ka nang malandi. Hindi pangseryosohang relasyon. Marinig lang nila na malakas kang magsalita, palengkera ka na. T.O. kagad sa kanila iyon. Mahilig silang tumingin sa mga babaeng sexy manamit, kulang nalang makita na kaluluwa. Pero kapag babaeng seryosohin at gustong ligawan dapat disente, dapat mala-anghel ang mukha, dapat mukhang inosente. Tapos kami pa raw ang mahilig mamili? Parang baliktad yata? Chaka pag ligawan, kayo nakakapamili ng liligawan nio dba? Kami makakapamili ba kami? hindi, no choice talaga
Ok, ayan nanliligaw na si lalake. Dapat pakipot ka para suyuin ka, para habulin ka pa lalo. Kapag hindi ka naman nagpakipot "easy to get" naman ang tingin sa iyo. Hindi ka na seseryosohin. Sino bang may sabing magpaalila kayo, di naman namin hawak ang buhay niyo. Natural lang na magtiis kayo, may gusto kayo sa amin eh. Kapag nakuha niyo na iyon wala na lahat ng mga paghihirap niyo, babaliktad na ang sitwasyon kami naman ang mamromroblema. Para lang kayong may gustong bilhin na bagay. Upang mabili ito kailangan munang magsakripisyo, magtipid, magtiis. Pag nabili na at napagsawaan wala na, balewala na.
Diyan ka na sa tabi-tabi. Tawagan nalang kita pag trip ko o kaya'y pag may gusto akong ipagawa sa iyo.
Ano pa ba? E di sinagot mo na diba. Utang naloob pa natin yun. Dahil naghirap daw sila sa panliligaw dapat masuklian natin iyon ng higit pa. Sa umpisa kailangan malambing ka, maayos at laging magsisilbi sa kanya. Ayaw daw nilang humawak ng relasyon, pero kapag ikaw naman ang nagmando, aba, masasakal naman. Sasabihin pa sa iyo "demanding" ka. Meron ka pang maririnig na "I think we need space" at kung anu-ano pang ek-ek. Sino rin may sabing di dapat kami magpakabait, maging devoted at faithful? Kapag kami ang sumaway niyang mga iyan, iba na ang tingin sa amin. Malandi na kami, haliparot, pakawala, makikay at kung anu-ano pang mga bansag ang itatawag sa amin. Kapag kayo gumawa noon, ok lang. Lalake kayo eh, macho kayo pag ginawa niyo iyon. Kaya kami. Walang magawa. Magpapakaburo at magpapakamadre nalang. Kapag nagloko na kayo ano pa bang magagawa namin? Eh di iiyak nalang. Wala namang ibang magagawa eh.
Tungkol naman sa tinatawag niyong pagdedemand namin. Hindi kami nagdedemand! Karapatan lang namin iyon. Karapatan namin na lambingin niyo kami, icheck at ipakita sa amin na mahal niyo kami.
Hindi rin ibig sabihin na mas sincere kayo sa amin. Seryoso rin naman kami ah. At ang maturity wala yan sa edad. Mas maaga nga kaming magmature sa inyo. Ang isang 19 year old na lalake eh, isip 15 pa yun. It follows iyan sa lahat ng age group. Mas mataas pa nga kung minsan ang pagbawas ng level of maturity. Kayo na ang mag-math. Pati yung pag-iyak namin pinupuntirya niyo. Kesyo drama daw. Diba kapag umiyak ka nagbuhos ka ng emosyon diyan. Ano tingin niyo sa amin mga artista?!
Alam niyo iyon? Yun bang kulang nalang ay lumuha ka na ng dugo, pero hindi ka pa rin papansinin. Sasabihan ka pang tigilan na ang pagdradrama. Hindi nila kami maintindihan kapag nagseselos kami. Bakit naman kami magseselos kung wala kaming nakikita? Mas iba kaming magmahal. Mas masarap.
Kapag natapos na ang lambingan, eh di siyempre iwanan blues na. Kami pa raw ang nagsawa, kami pa raw ang nagtritrip lang. Sino ba ang lumalayas kapag may nakita nang bago, sino ba ang mayabang, sino ba ang nagmamalaki? Kami ba? Kami ang walang choice. Kasi ang babae pag sinabing "break na tayo" lambingin lang iyan ng konti balikan blues na iyan. Kapag ang lalake ang umayaw, pucha, bahala ka diyan. Kahit mag-tambling ka pa sa harap niya. Wa-epek. Umiyak ka ng bato. Wa-epek. Tsk, tsk, tsk. Tapos sila pa raw ang kawawa.
Post-break up, mahal pa ng babae si lalaki. Sasamantalahin ni lalaki. Magpapagawa ng kung anu-ano. Naaalala ka lang kapag may kailangan sa iyo. Kapag pumangit ka after the break up, magpapasalamat sila na iniwan ka nila. Kapag gumanda ka naman, ipagkakalat nila sa buong sangkatauhan na naging girlfriend ka niya. Sala sa init sala sa lamig talaga.
Ano ba namang buhay to? Ang hirap ding maging babae ano. Kala nila laging sila nalang. Lagi rin kaming naiiwan sa ere.
In-love din kami.
Ang mga lalake talaga, oo.

Ang mga Babae Talaga, OO!

(galing sa computer dito sa school, bago mag bura ng files. Maganda siyang basahin, nakakaaliw:))

ANG MGA BABAE TALAGA OO
*gabi. usapang lalake* *sindi ng yosi* *hithit* *buga*
Musta na, pare? Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni-muni. Nag-iisip. Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba. *hinga ng malalim*
Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit 'sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal. *tingin sa stars*
Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal? E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya? Ang feeling ng masaktan pag nabasted? Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap naten e. Ang alam lang ata nila e mamili, manakit, at magsaya. Tingin mo? *tingin sa malayo*
Lagi naman ganun. Una pa lang, lalake na ang naghihirap. Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano pang diskarte ang gagawin naten para masabi naten sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun? Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba? Tapos liligawan pa naten. Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max. Maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na lang e pagsilbihan mo nang walang sahod. At ano ang kapalit? Well, depende sa trip nila. Oo tol, sa trip lang nila. Wala silang pake kesehodang mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha naten, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-buo. Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan. Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo. Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan mong maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad trip, iiling-iling, at minsan, luhaan.
Wala tayong magagawa, marami silang alibi. "Hindi pa 'ko ready eh..", "Sorry pero I think we should just be friends..", "Ha? Uhhmm.. nagpapatawa ka ba? Hahahaha.." "Better luck next time na lang muna, okay lang?", "Give me a decade. Pag-iisipan ko muna..", "Para lang kitang kapatid e..", yaddah yaddah. Isang malaking pagsasaklob ng langit at lupa 'yon para saten. *kuha ng bote ng beer* *lagok* *lunok*
At hindi lang 'yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang yon. Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle. Tayo daw ang mga lalake kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang magiging devoted at faithful; tayo, tayo tayo.
Sila? Ummm? Teka, isipin ko.
Ayun. Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet; sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kung kelan ka dapat mag-shave, kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung kelan sila di dapat bad tripin dahil meron sila, at kung kelan ka korni. Ewan. Ganun ata talaga. *kuha ng bote ng beer* *lagok* *lunok*
Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda, edi okay. Pag may problema, kasalanan naten. Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun. *hinga ng malalim*
Pero alam mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo magmahal Alam mo yun, iba tayo magmahal e. Hindi lang
parang laru-laro lang. Seryoso. At kung magmahal man tayo, lubus-lubusan. Mas mature. Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa. Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.
*hinga ng malalim* *tingin sa malayo ulit* At ito pa ang pinakamasaklap. *singhot*
Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong 'to, either sawa na sila, hindi na tayo trip, may nahanap na silang better saten, o kaya they need f*cking space and time muna. Bad trip no? Wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod.
At ano pa ang kasamang hassle don? Syempre wasak na ang imahe naten. Tayo ang lalabas na may kasalanan. Na playboy. Na nagpapaiyak. *iiling*
Tayo siyempre ang mga antagonist at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak. Ang ending: mag-ooffer sila ng "friendship" kuno matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila, sawi tayo sa pag-ibig, "player" na ang image naten, at higit sa lahat, mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di na naman makakatulog.
Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang naiiwan sa ere.
Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka no? Ako, kamusta? Eto. Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong hininga.
Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok-lagok ng alak. Ang mga babae tala

Sa Mata ng Kaaway

Makailang beses na akong nakarinig, nakabasa, nakapanuod ng ilang mga pananakit at pang aabuso sa mga kababaihan. Minsan na rin akong naging biktima ng mga pananakit, pangaabuso, at pangbabastos ng ilang mga kalalakihan. Pero hindi naging malaking isyu ito para sa akin, dahil alam kong anuman ang mangyare ay kaya kong ipagtanggol (kung pagtatanggol nga ba itong matatawag) ang sarili ko.

Pero nag iba ang lahat, isang kwento, isang pagsasabi, isang pag amin. nagbago ang tingin ko sa lahat. Mas madali pala kasi pag ako ang nasa sitwasyon, mas madaling umayaw, magsabe ng hindi. Pero iba ang kalagayan ngayon, wala ako sa posisyong lumaban o kuhain ang hustisya na para sa taong ito.

Ndi ko malaman, kung paanong ang isang taong nasa maayos na pagiisip, nakapag aral, mabuti ang pamilyang pinanggalingan ay kayang tumingin sa akin ng diretso,
walang pagaalinlangan
walang takot
walang konsenysa

Ikaw! na dapat unang unang nasandalan,
natakbuhan
nagtanggol
nakipaglaban

ay isa nang kaaway...

hanggang kelan ang panlilinlang.. sa mata ng kaaway.

Monday, March 21, 2011

subok lang


Ginamit namen ang istoryang ito sa isang outreach sa Reception and Study center for children sa may Quezon City:) pangalawang subok sa pagsulat ng kwentong pambata. :)


Ang Apat na Manlalakbay

Isang araw sa kagubatan, masayang naglalaro ang apat na magkaibigang sina Elay Elepante, Benny Baboy, Perla Pusa at Ugi Unggoy. Habang naglalaro sila ay biglang may nahulog na isang malaking basket sa kanilang harapan.

Ela Elepante: (Gulat) Waaaaaaaahhhhhhhh!!!!
Benny Baboy: Ano yun?
Loi Unggoy: Isang basket!!!
Perla Pusa: Tignan naten.

Dahan dahang nilapitan ng apat ang basket. Binkusan nila ito at nagulat sa kanilang nakita.

Sabay-sabay: Wow! Ano ito?

Pagbukas nila ay may nakita silang apat na bagay sa loob ng basket na may nakasulat na pangalan nila. Isa isa nila itong kinuha at tinignan. Unang kumuha si Loi Unggoy (Bracelet na may nakasulat na Loi)

Loi Unggoy: Ang akin ay isang bracelet. (sinuot ito) Wow, saktong sakto sa akin.

Sumunod si Benny Baboy (Kwintas na may Benny) Ang akin naman ay isang kwintas! Ang ganda!

Pangatlo ay si Ela Elepante. Isang magandang belt naman ang akin.
Huli ay si Perla Pusa: Anklet and akin. Ang ganda!

Isinuot ng apat na magkakaibigan ang mga nakuha nila sa loob ng basket. Ndi nila alam na ang mga gamit na ito ay may angking lakas at kapangyarihan.

Kinabukasan, nagbalik sa kagubatan ang apat na magkakaibigan. Habang sila ay naglalakad ay may nakita silang isang mama na nagpuputol ng puno sa parteng iyon ng gubat.

Mama: BWAHAHHAHAHAH!!!! Puputulin ko ang lahat ng puno ditto at tatayuan ng matataas na gusali! Hahaah!!!!!

Nagulat ang apat na magkakaibigan.

Ugi Unggoy: Nako, paano na tayo at ang iba pang hayop kung magpapatuloy ito?
Elay Elepante: Wala na tayong matitirhan
Perla Pusa: Wala na tayong makakain.
Benny BaboyL Wala na rin tayong mapaglalaruan.

Nalungkot ang apat.. at sa malayo ay patuloy pa rin ang mama sa pagputol. Habang nagpuputol ng puno ay nakita ni Perla Pusa na may nahuhulog na pugad mula sa natumbang puno.

Perla: Ang pugaaaaaaaaaaaadddddddddd….. (takbo ng mabilis at nahuli ang pugad)
Benny, Ugi at Elay: HAAAAAAAAAAA!!!!!!!!
Perla: Buti nalang nasagip ko.
Benny, Ugi at Elay: Nakangangang nakatingin kay Perla.

Perla: o bakit? Anong nangyare?
Loi: napakabilis mong tumakbo Perla
Benny: oo nga, nakakamangha ang bilis mo!
Perla: (gulat) Oo nga no, Pero paano kaya? Hindi ko din alam pero nung makita ko ang pugad naisip kong kailangang gawin ko
Ela: Galing mo Perla!:) nasagip mo ang ibon.

Ilalagay na sana ni Perla ang pugad sa isang puno nang biglang:

Enngggg EEEEEEEEENnnnnnnnnnnnnnggggggggggg EEEEEEEEnnnnnngggggg!!!! (malalaglagan ng puno si Perla)

Ela: PEEEERRRRLAAAAAAAAA!!!!!! (Agad na hinarang ni Ela ang malaking troso, naharang ni Ela ang puno)
Beni: ikaw din Ela, ang lakas ng iyong katawan.
Ela: Oo nga, Beni, ngunit kailangan maialis na sa akon ang trosong ito pero di ko magawa ng aking kamay.

Loi: Paano yan? Ela?
Beni: Susubukan ko (sinubukan pero di kinaya)
Ela: Ikaw kaya Loi?
Loi: Huh? Pero Pano, mabigat yan eh.
Ela: Sige na

At nabuhat nga ni Loi.
Loi gulat. Ha ? Napakagaang ng troso! Ang dali nitong buhatin!
Beni: Ang galing! Paanong nagawa ninyong tatlo yun?
Perla: salamat Ela at Loi.

Loi at Ela : Walang anuman pero paano nangyare ito ?
Beni: Hindi kaya dahil sa mga gamit na nakuha natin?
Perla: oo nga. Maari?bakit si beni wala?

Brrrrrrrr....... brrrrrrrrrrrr....... ennnnnnnnnnnnnnggggggggggggg....
Nalaglag ang pun.... brrrrrr..........engggggggg

Aaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!saklolo!
Beni: May nasa panganib. Kelangan naten tulungan siya.
Perla: ha? Panu mo alam Beni? Wala naman eh
Beni: basta sundan nyo ako

(nglakd at nakita ang mamang mantotroso na nadagdagan ng puno)
Tulungan naten.

At ginamit nga ng apat ang lakas nila upang tulungan ang mama.
Nailigtas ng apat ang mama,

Mama: salamat sa tulong ninyo!
Beni : maari po bang wag na ninyong tayuan ng gusali ang aming kagubatan ?
Mama : HA ! PERO !
Perla : mawawalan po kasi kame ng tirahan
Loi: mapagkukunan ng Pagkain
Ela: at mapaglalaruan
Beni: paano naman po ang buhay namen?

Mama: ha? Aba oo nga ano? Ndi ko iyan naisip.
Sige, simula ngaun ay tutulong ako upang maisaayos ang kagubatan.

The End

*photos courtesy of google*

Tuesday, March 15, 2011

Nang maglaro si Tadhana

Sino ba si Tadhana? Ilang beses ko nang narinig, nabasa, nakanta ang tadhanang iyan. Pero kahit minsan ata eh ndi pa nagging totoo si Tadhana para saken.

Sa lahat nang nagging mga nakaraan ko, pinilit kong makita si Tadhana sa mata. Sabihin na oo ikaw na nga si Tadhana. Pero ilang beses din akong nabigo. Ilang beses akong umasa na hawak at kapiling ko na si Tadhana.

Lumipas ang mga taong naniwala ako sa katotohanan na eto na siya at wala na akong magagawa pa kung hindi ang pasalamatan na dumating na siya at nagdesisyon na manatili sa akin. Kahit pa ndi na iyon ang tadhanang naisalarawan ko sa aking isipan. Ndi man siya ang nagging sagot ng dinadasal kong tadhana ay nagtiis ako na tanggapin at paniwalaang ito nga ang para saken.

Pero, kinalasan ko ang pinaniwalaan kong Tadhana ng matagal na panaho. Sinabe kong maaring ang Tadhanang nasa harapan ko ngaun ay isa lamang panlilinlang sa tunay na tadhana na naghihintay para saken. Hindi ko na pinigilan ang sarili kong hanapin ang tunay kong tadhana. Nabulag ako nang matagal pero nagpapasalamat ako dahil ang huwad na Tadhanang iyon ang tumulak sa ken para makita ang Tadhanang tunay na akin.

Ngunit mapaglaro talaga si Tadhana.

Malapit ko na siyang makita, eto na nga at konting linaw na lamang ng mata ay alam kong andiyan na nga siya.

Kaso ako na naman ata ang nakita ni Tadhana para mapagtripan. Nagantay lang ako nang tamang panahon para maging handa, pero imbes na panahon para maghanda ay nagkrus ang daan ko sa isa na namang panibagong Tadhana.

Tatlong magkakaibang tadhana ang nasa harapan ko ngaun.

Ikaw.

Siya.

Ako.

Tadhana nga naman.

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Lazada Indonesia