Yung ayoko na mainis pero hindi ko maiwasan.
Ang pinakamasakit sa lahat ng ito ay ang isiping walang halaga ang pagkakaibigan ninyo sa kanya.
Hindi ko magawang isipin kung paanong ang isang kaibigan, matalino pa nga ay hindi kayang magbigay pahalaga sa iba. Hindi pa ako nakakilala ng taong kasing ramot nya. Na lahat ay dapat ayon sa kanyang ikauunlad, ikasasaya, ikadadali ng buhay.
Talaga palang, oras lamang ang makapagpapakita ng tunay na kulay ng tao. Sa katagalan ng panahon, hindi talaga kakayanin ng isang taong mabuhay sa kasinungalingan kung sino siya. Kung sino ang ibang tao para sakanya.
Tunay na malalim na ang inis ko sa taong ito. Pero wala akong magawa. Dahil sa tinuring ko siyang kaibigan. Pero nakikita ko at nararamdaman ko, malapit na ang pagtatapos ng isang huwad na pagkakaibigan na ito.
Gusto ko lang sabihin sa mundo, hindi man direkta sa kanya, na hindi ko kailanman hiniling magkaroon ng kaibigan na tulad mo. Wala ni isa man sa mga sinasabe mo ang pinaniniwalaan ko. Wala kang ginagawa na hindi ko nalalaman ang tunay na motibo.
Bawat salita sa labi mo, kasinungalingan para sa akin.
Bawat gawa mo, ay pagpapaka "plastic".
Maghihiwalay din ang landas naten. Hindi na ako makapagantay.
No comments:
Post a Comment