Pages

Wednesday, March 30, 2011

TEACHER'S TALE:Pagtuyo ng Luha

Ilang beses ko nang binalak magsulat tungkol sa karanasan ko sa Hacienda Luisita, pero tuwing gagawin ko eh napanghihinaan ako ng loob sa pagiisip na maaring ndi ko mabigyang hustisya ito sa blog na to.

Pero mahina man ang loob ko eh eto na nga ako at nagsusulat na. Pang-apat na balik ko na sa Hacienda Luisita nitong nakaraang linggo. Nakakagulat man, pero sa pang- apat na pagpunta ko dun eh, ndi pa rin ako tinakas ng pagluha ko. Sunday na noon eh uuwi nalang kame, pero dahil sa teacher nga ako eh hindi naman maaring wala akong sabihin sa klase ko. Dun na lumabas ang lahat ng saloobin ko.

Saloobin ukol sa pagiging guro kong napanghihinaan din ng loob, sa mga attitude ng estudyante ko, ako bilang nagtitiwala sa adhikain ng mga farmers ng Hacienda Luisita, at ako bilang tao.

Sa kahit anong aspeto man natin tignan, makikita sa bawat pagpunta ko dun, sa bawat salita ng mga magsasakang nakilala ko, sa estado ng kabuhayan, edukasyon, at kalusugan ng mga tao dun, masasabe natin agad, walang patumpik tumpik, na "OO, may mali nga talaga!" At malungkot man sabihin na ang MALI na ito ay nakakaapekto sa ilang libong tao. Hindi namimili ang MALI na ito ng edad, kasarian, kulay, katawan, atbp. Basta taga Hacienda Luisita ka eh kasama ka sa epektong dala ng MALI na ito. HIndi ako eksperto sa pagexplain ng nangyare sa kanila, pero tiyak kong naiintinidhan ko ito ng malinaw na malinaw. Sa kahit na ano pang anggulo tignan, ndi kelanman naging tama ang mang abuso, mangamkam, at pumatay ng tao, literal man o ndi.

Lupa lang naman ang sigaw ng bawat isang nakausap ko sa Hacienda. Ndi nila kelanman binanggit saken na gusto nila ng magarbong bahay, mamahaling sasakyan, o kung anu pa mang luho sa mundo. Napaka basic lang naman talaga ng gusto nila, makapagsaka ng sarili nilang lupa, kalayaang makapagtanim, umani, kumain, at kumita sa tamang paraan. Paraang alam nila.. at un ay ang pagsasaka.

Isa sa mga ndi nagfafail na magpababa ng luha ko ay ang mga batang naisasakripisyo ang kanilang pag-aaral, dahil sa ganid ng iilang matataas na tao. Nitong weekend nakilala ko si MJ, andun kasi siya nakatambay sa bahay ni Tatay Jerry. Nagpapractice siyang magbasa, eh dahil sa teacher ako, ginuide ko siya sa pagbabasa. Magaling na siya magbasa, at ang binasa nya nun ay isang bukas na liham tungkol sa kaso ng mga mangagawang bukid sa Hacienda Luisita. Binasa nya ito buong buo, pero nung tanungin ko siya, ndi niya alam kung saan ang Hacienda at kung sino ang sinasabe sa binasa nya. Ni hindi nya alam na siya mismo ang dahilan kung bakit may sulat na ganun. Para sa kanya ang bukas na liham na un. Pero dahil sa maling sistema ng pagpapalakad sa hacienda, wala siyang kamalay malay na para saknya pala ang laban na iyon.

Hindi pa tapos ang laban. Laban ndi lamang sa lupa. Laban para sa kinabukasan na di lang iilan sa mga tao ng Hacienda Luisita pero para sa buong sambayanan. Madalas akong magtaka kung anong maari kong iambag sa laban na ito. Wla naman akong talentong tulad sa mga manunulat, manunula, mga artist na may maitutulong sa laranagan ng arts. Di rin ako aktibista at ndi ko din ata kakayanin ang buhay nila dahil napakahirap. Saan nga ba ako tutulong? Paano?

Sa matagal na panahon, ndi ko nakita na ang sagot pala sa tanong ko ay nasa harapan ko na, limang taon na ang nakalipas. At ito ay ang pagiging guro ko. Isa akong guro na may kakayahang dalhin sa loob ng klase ang mga nalalaman ko. Kakayahang imulat ang mga kabataan sa totoong laban ng mga tao. At ito ang gagawin ko.

Kasama ng pagkilos ay ang paniniwala kong kailanman ay hinding hindi mauubos ang luha ko para sa kanila.

2 comments: