Pages
▼
Monday, March 21, 2011
subok lang
Ginamit namen ang istoryang ito sa isang outreach sa Reception and Study center for children sa may Quezon City:) pangalawang subok sa pagsulat ng kwentong pambata. :)
Ang Apat na Manlalakbay
Isang araw sa kagubatan, masayang naglalaro ang apat na magkaibigang sina Elay Elepante, Benny Baboy, Perla Pusa at Ugi Unggoy. Habang naglalaro sila ay biglang may nahulog na isang malaking basket sa kanilang harapan.
Ela Elepante: (Gulat) Waaaaaaaahhhhhhhh!!!!
Benny Baboy: Ano yun?
Loi Unggoy: Isang basket!!!
Perla Pusa: Tignan naten.
Dahan dahang nilapitan ng apat ang basket. Binkusan nila ito at nagulat sa kanilang nakita.
Sabay-sabay: Wow! Ano ito?
Pagbukas nila ay may nakita silang apat na bagay sa loob ng basket na may nakasulat na pangalan nila. Isa isa nila itong kinuha at tinignan. Unang kumuha si Loi Unggoy (Bracelet na may nakasulat na Loi)
Loi Unggoy: Ang akin ay isang bracelet. (sinuot ito) Wow, saktong sakto sa akin.
Sumunod si Benny Baboy (Kwintas na may Benny) Ang akin naman ay isang kwintas! Ang ganda!
Pangatlo ay si Ela Elepante. Isang magandang belt naman ang akin.
Huli ay si Perla Pusa: Anklet and akin. Ang ganda!
Isinuot ng apat na magkakaibigan ang mga nakuha nila sa loob ng basket. Ndi nila alam na ang mga gamit na ito ay may angking lakas at kapangyarihan.
Kinabukasan, nagbalik sa kagubatan ang apat na magkakaibigan. Habang sila ay naglalakad ay may nakita silang isang mama na nagpuputol ng puno sa parteng iyon ng gubat.
Mama: BWAHAHHAHAHAH!!!! Puputulin ko ang lahat ng puno ditto at tatayuan ng matataas na gusali! Hahaah!!!!!
Nagulat ang apat na magkakaibigan.
Ugi Unggoy: Nako, paano na tayo at ang iba pang hayop kung magpapatuloy ito?
Elay Elepante: Wala na tayong matitirhan
Perla Pusa: Wala na tayong makakain.
Benny BaboyL Wala na rin tayong mapaglalaruan.
Nalungkot ang apat.. at sa malayo ay patuloy pa rin ang mama sa pagputol. Habang nagpuputol ng puno ay nakita ni Perla Pusa na may nahuhulog na pugad mula sa natumbang puno.
Perla: Ang pugaaaaaaaaaaaadddddddddd….. (takbo ng mabilis at nahuli ang pugad)
Benny, Ugi at Elay: HAAAAAAAAAAA!!!!!!!!
Perla: Buti nalang nasagip ko.
Benny, Ugi at Elay: Nakangangang nakatingin kay Perla.
Perla: o bakit? Anong nangyare?
Loi: napakabilis mong tumakbo Perla
Benny: oo nga, nakakamangha ang bilis mo!
Perla: (gulat) Oo nga no, Pero paano kaya? Hindi ko din alam pero nung makita ko ang pugad naisip kong kailangang gawin ko
Ela: Galing mo Perla!:) nasagip mo ang ibon.
Ilalagay na sana ni Perla ang pugad sa isang puno nang biglang:
Enngggg EEEEEEEEENnnnnnnnnnnnnnggggggggggg EEEEEEEEnnnnnngggggg!!!! (malalaglagan ng puno si Perla)
Ela: PEEEERRRRLAAAAAAAAA!!!!!! (Agad na hinarang ni Ela ang malaking troso, naharang ni Ela ang puno)
Beni: ikaw din Ela, ang lakas ng iyong katawan.
Ela: Oo nga, Beni, ngunit kailangan maialis na sa akon ang trosong ito pero di ko magawa ng aking kamay.
Loi: Paano yan? Ela?
Beni: Susubukan ko (sinubukan pero di kinaya)
Ela: Ikaw kaya Loi?
Loi: Huh? Pero Pano, mabigat yan eh.
Ela: Sige na
At nabuhat nga ni Loi.
Loi gulat. Ha ? Napakagaang ng troso! Ang dali nitong buhatin!
Beni: Ang galing! Paanong nagawa ninyong tatlo yun?
Perla: salamat Ela at Loi.
Loi at Ela : Walang anuman pero paano nangyare ito ?
Beni: Hindi kaya dahil sa mga gamit na nakuha natin?
Perla: oo nga. Maari?bakit si beni wala?
Brrrrrrrr....... brrrrrrrrrrrr....... ennnnnnnnnnnnnnggggggggggggg....
Nalaglag ang pun.... brrrrrr..........engggggggg
Aaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!saklolo!
Beni: May nasa panganib. Kelangan naten tulungan siya.
Perla: ha? Panu mo alam Beni? Wala naman eh
Beni: basta sundan nyo ako
(nglakd at nakita ang mamang mantotroso na nadagdagan ng puno)
Tulungan naten.
At ginamit nga ng apat ang lakas nila upang tulungan ang mama.
Nailigtas ng apat ang mama,
Mama: salamat sa tulong ninyo!
Beni : maari po bang wag na ninyong tayuan ng gusali ang aming kagubatan ?
Mama : HA ! PERO !
Perla : mawawalan po kasi kame ng tirahan
Loi: mapagkukunan ng Pagkain
Ela: at mapaglalaruan
Beni: paano naman po ang buhay namen?
Mama: ha? Aba oo nga ano? Ndi ko iyan naisip.
Sige, simula ngaun ay tutulong ako upang maisaayos ang kagubatan.
The End
*photos courtesy of google*
No comments:
Post a Comment