Pages

Tuesday, September 1, 2009

It's not a THANKLESS job after all...

September 1, 2009
1218am

Had a random YM!conversation with my former student today. This is the first time ever that a former student personally thanked me as a teacher. It affirmed to me that in one way or the other, I make a difference in someone's life.:)

Here's the messages:
mg: mam what's up? kilala mo pa ko? haha
me: oo nman
mg: haha msta na? nasa skul pa ko..
me: may class?
mg: dapat free cut.. may hinhintay nlng
mg: nagtteach ka pa nman dto diba?
me: aah
me: yep why?
mg: wla lng... hndi na kasi kita nakikita...
me: aaah
mg: um.. bakitmo nasabi before nung nag kita tyo if nag LOA ako?
me: sinabe ko ba un?
me: heheh ewan nalimutan ko na
mg: hahaha oo kaya
mg: isip ko bka feeling mo na rehab ako
mg: hahahaha joke
me: ahahha malamang
me: baka un nga naisip ko nun
mg: hahahaha may facebook ka?
me: wala
mg: sayang add sana kita
mg: haha
me: wala eh
mg: hahaha ok... miss hindi ko nasabi before pero thanks nasiyahan ako sa class mo before
me: naks
me: antagal na nun ah
mg: parang you believed in me
mg: oo nga
me: oo naman
mg: ngyn lng ako nag ka chance sbhn e
me: matalino ka kasi
mg: hahha
me: sabe din ni ms iris
me: tma ba siya ba teacher mo nung cws?
mg: yup
me: o yun na nga sabe nya magaling ka din
mg: haha thanks
me: ayaw mo lang labas
me: inuuna mo kasi bisyo mo!
mg: hahaha dahil siguro sa surrounding ko


Nakakatuwa. Madalas ang pagtuturo marameng dalang frustration,sakit ng ulo at stress. Wala talgang solid na evaluation na magsasabe sayo na magaling ka o nakaapekto ka sa buhay ng estudyante mo. Ndi mo kayang sukatin ang kaalaman na naituro mo sa kanila. Yun eh kung meron man silang natutunan talaga sayo. Mahirap malaman kung magiging sila ang mga estudyanteng gusto mong maging sila. Kasi kung tutuusin, isa lang akong guro. Nasa estudyante pa rin ang kapangyarihan para may matutunan sa akin o wala, choice pa rin nila kung makikinig o maniniwala sila saken.

Isa yun sa mga pinakamabigat na responsibilidad ng isang guro. Isa rin un sa mga misteryong ndi siguradong masasagot o matutuklasan.

Pero ngaun, sa simpleng usapan na yun. Masasabe kong ndi totoo ung kasabihan na "Being a teacher is THANKLESS job." Kasi kahit pala simpleng paniniwala lang sa kakayahan ng isang tao eh may nadudulot nang kabutihan. Salamat sa kanya dahil natutunan kong mas mahalin ang trabaho ko. Natutunan ko din na "simple things really go a long way."

Masaya ako ngaun at bukas papasok ako sa klase nang buong sigla at paniniwala sa kabutihan ng aking mga estudyante.

SALAMAT MG(Code lang)!! :)

No comments:

Post a Comment