Pages

Friday, August 10, 2007

buhay college

August 9, 2007
Ang mga sumusunod na pangyayari ay halaw sa totoong kaganapan. Ang mga pangalan ng nasangkot ay hindi pinalitan upang maging mas makatotohanan.

Jammy: Buzz
Jhoanna: oi jammy. kamusta?
Jammy: steady lang.. kelan tayo sesession ulit..
Jhoanna: sa party ni Kaycee malapit na.. punta tayo ha
Jammy: aug14 ba?
Jhoanna: hindi sa 18 sabado un..
Jammy: grabe nakakamiss na college
Jhoanna: oo nga, nakakapagod magtrabaho noh
Jhoanna: tara college ulit tayo
Jammy: college ulit o buhy colege
Jhoanna: ay buhay college pala
Jammy: friday?
Jammy: 1515?
Jhoanna: ngaun nalang.
Jhoanna: haha
Jammy: san sa taft?
Jhoanna: cge text ako ng iba
Jhoanna: pwede daw si soky
Jhoanna: kela soky nalang tayo
Jhoanna; tara na ano?
Jammy: anong tym?
Jhoanna: ngaun na punta na ko
Jammy: teka naman.. easy
Jhoanna: yan ka na naman tapos ba backout ka ha
Jammy: hindi cge. mga 8pm pako makakarating
Jhoanna: ocge text text


*****so 9pm nagsimula ang inuman sa garden nila soky kasama ng generoso, 2 1.5 coke, 3 oishing maanghang, isang chippy, 3 cloudnine at marlboro lights ni soky. Nagbuhay college kame, reminisce ng mga kalokohan sa klase, mga boylet at girlets, ammerrrka days, chismis at COD days.. at lahat lahat na.. sinamahan kame ng alak para magbalik kolehiyo. Isa to sa mga pinakspontaneous na nagawa namen, mejo madale na kausap basta alak ang usapan...***


**** ang bago lang, wala nang sumusuka, nagsisigawan, tulog at nagbabasag sa inuman na un. Meron na ding usapang insurance, columbarium, sexual harrassment at kung ready na ba sa kasal kasal. Syempre di maiiwasan ang usapang trabho kung san kame pupulutin pagkatpos ng ilang taon.***

***Matagal tagal ko din na ndi nakita si jammy at soky pero masasabe kong wala paring nagbago. Kame pa rin ung dating Jojai, Jammy at Soky. MAy bago mang mga boylets at girlets, may bago mang trabaho o wala, bagong mga kaibigan, bagong karanasan, bagong mundo, bagong kame, may babalikan kameng mundo kung san pwede namen makita ulit kung ano at sino kame noon.. Hinanap namen ang isang parte ng buhay namen na matagal tagal na rin nawala.. ang buhay college. Ngunit dahil dito napatunayan kong kahit kelan ay kaya namen ibalik ang buhay na un, anumang oras basta kame ang magkakasama... (grabe ang keso neto) at syempre kung buhay college lang din ang paguuspan syempre may kasamang usapang bote yan:)****

No comments:

Post a Comment