Pages

Tuesday, March 29, 2005

Shabs

Shabs: salitang ugat ay shabu
: pinaganda lang para masarap pakinggan

Malamang iniisip mo ngayon yung shabu na sinasabi ko ay ung bawal na gamot na illegal na binebenta at ginagamit halos sa buong mundo. Pero dyan ka nagkamali, kasi ang shabs na tinutukoy ko ay isang tao..(oo, tama ang nabasa mo, tao nga!) Marahil nagulat ka noh? pero totoo yan, isa sya sa mga espesyal kong kaibigan. may pagka shabu din ang epekto nya saken, shabs kung tawagin namen ang isa't isa. Nagumpisa ang lahat sa text, nagkakwentuhan, nagkasabihan ng ibat ibang opinyon at gusto sa buhay. Mula sa paboritong prutas hanggang sa pinakapinapangarap sa buhay. Minsan nya ding binaggit na para daw akong shabu dahil nakakaadik daw ako.. siguro nga para sa kanya..dahil daw sa mga kakaibang usapan at kwentuhan namin. SIYA ANG KAUNA UNAHANG TAONG NAGSABI SAKEN NUN.. at hindi ko maitatangging nasiyahan ako nun.

Sa totoo lang marami na syang nagawang bagay sa buhay ko ng hindi nya nalalaman.. Siya ung taong alam kong tatanggapin ako ng buong buo kahit magkamali pa ako..Siya ung nagpakilala sa totoo at mas mabuting ako.. pinakita din nya saken ang ibat' ibang kaya kong gawin sa buhay.. minsan di ko na nga napapansings maganda na pala ung ngawa ko pero lage syang anjan para ipaalam saken un..Siya ung nagpapahlaga sa mga ginagawa ko at binabahagi nya ang sarili nya sa buhay ko. Pinapakita nya din saken ang mas makulay na mundo at masayang buhay. Siguro mas marami pang bagay ang naitulong nya sa pagiging ako.. sa pagiging tao. Masaya akong andyan sya at tanging hinahangad ko lang ay ang maging masaya sya..

Miss na kita shabs...

1 comment: