Pages

Tuesday, July 12, 2011

TEACHER'S TALE:101 Things to do in my Lifetime

Dahil sa panahon na naman ng pagchecheck ng papel ng mga estudyante ko eh, eto at nainspire din akong gawin ang pina-assignment ko sakanila. Para patas naman at maintindihan ko din kung anong hirap o saya ang dinaranas nila habang ginagawa ang assignment nato.:) Goal and goal setting kasi ang usapin namen sa klase so naisip kong ipalista sa kanila ang tulad sa bucket list na movie, kung saan isinulat ng dalawang magkaibigan ang mga gusto nilang gawin sa buhay at ito naman ay sinbukan nga nilang kumpletuhin. at ito na nga ang akin. Take note, dapat ang mga nakalista ay mga bagay na gustong gawin at ndi ung mga gustong magkaron.:)

Here's my first attempt to my 101 Things to do in my life.

Saturday, April 23, 2011

TEACHER'S TALE: My Letter to my 12 Year Old Self

Katatapos ko lang magcheck ng papel ng mga estudyante ko ngaun gabe. Isa sa mga pinagaw ko sa kanila ay isang sulat para sa kanilang 12 year old self at 45 year old self. Nasiyahan ako sa karamihan sa mga nabasa ko. Madame akong agad na nalaman sa kanila dahil sa isang activity na yun. Dun ko naisip na bakit ba ndi ko ginawa ung activity na yun. At kung gagawin ko man eh anu kaya ang maisusulat ko. Kaya nga ba at eto ako para isulat na ang assignment ko for the day, para sa susunod na ipagaw ko ito sa klase ko eh maipapaliwanag ko na ito ng mas malalim dahil naranasan ko din ang kinakalilangan nilang gawin.


                             
                        
 Letter to my 12 year old self
Dearest Jing,

Sa panahon na mababasa mo ang liham na ito ay maaring pagraduate ka na ng grade school, at malamang ay iniisip mo kung star section ka pa ba next year kasi hanggang ngayon ay pinagdududahan mo pa rin ang galing at talino mo. Sino ba naman kasing ndi manliliit sa mga grado ng kaklase mo eh noh? Pero wag kang mag alala ang bawat grado na makukuha mo sa pag aaral ay ikakaproud mo naman. Marame kang magiging bagsak sa mga subjects at teacher na mahirap pero ganun pa man matututo kang magsikap sa pag aaral. Darating ang panahon na habang nag-aaral ka ng MAPEH eh nakakatulog ka na kasi ang nirereview mo eh tungkol sa drugs. Nakakaantok un dapat kasi wala nang written exam ang PE. Pero dahil sa mabuti ka namang estudyante nuon eh ginagawa mo ang lahat ng dapat mong gawin para pumasa. Magkakaline of 7 ka kay Ms. Suarez, pero kahit ganun eh marame ka namang matutunan sa kanya, maliban sa mga biomes na napanood mo sa required film shows nya eh matututo ka tungkol sa sarili mong pagkatao. Hindi rin hihinto ang pagiging magkakilala nyo sa highschool kasi magiging colleague mo siya pagdating ng pagiging teacher mo sa CSB. Isa siya sa mga naging highlights mo sa buhay kasi sakanya mo ata naramdaman lahat ng klase ng feelings ng isang student sa teacher. TAKOT un mostly at KABA sa tuwing tatawagin ka nya. Madalas din isa siya sa nagparamdam sayong ndi ka nga matalino. Pero naging ok naman ang buhay mo nung highschool, nagawa mo pa rin ang gusto mo, naging student council ka ulit kahit na naulit ang history nang matalo ka ulit sa third year. Alam mo na na mangyayare un eh pero sumige ka pa din. Popular kaya ung kalaban mo nun, si Cha.:) Pero kahit ganun pa man naging masaya pa din naman ang 4th year kasi Sangguniang MAg aaral ka pa rin naman, ikaw pa nga ang naging PRO? tama ba? ikaw ang nagsasalita tuwing angelus at morning prayer. Ok naman na tayo dun diba?:)

Maliban sa pagaaral, eh ndi naten matatanggi na naheart broken tayo nun, sa mga maling tao. Hanggang ngaun naiisip ko pa sila at natutuwa naman akong naging parte sila ng buhay naten. Sabihin mang mali, eh ganun na eh, madali kasi tayo magpaimpluewensya nuon, hanggang ngaun naman diba? Pero marame din tayong natutunan noon. Dapat pala ndi nahihiya sa nararamdaman. Dapat pinapakita. KAso ang naging hadlang naman nun eh ung insecurities naten, dahil sa pagiisp na pangit nga tayo. Nabansagan pa tayong tibo dahil lang naman sa wavy naten na buhok na di naten alam panu imanage. Pero ok na din un mga pampakilig ng buhay. Mga break up na masakit sa heart pero dahil nuon pa man magaling tayo magpretend, di nila napansin un.Di nila alam na nasasaktan na pala tayo, na lalo palang lumiliit ang tingin naten sa sarili naten dahil sa mga ginawa nila. Alam mo un kasi ndi pa uso ang blog eh nasulat na naten un eh diba?

Andame na nangyare pati sa college at sa work. May mga insecurities ka man ay nalabanan mo naman ung mga un. Halos isang dekada na bago ko to nasulat sayo. Nawalan pa ng internet connection kaya ung una kong nasulat eh nabura lahat. Makakaranas ka ng maraming pagsubok sa buhay pero wala pa un sa mga naranasan ng ibang tao, lahat halos eh kinaya mo naman. Makakahanap ka din ng mga tunay na kaibigan mo at mahahanap mo din ang lugar mo sa mundo. Makikita mo ang isang bagay na ndi mo man inisip na magiging ikaw eh magiging ikaw nga at malaking kasiyahan talga ang naibibigay nito sa iyo.

Ipagpatuloy mo ang lahat ng ginagawa mo para sa sarili, sa pamilya, kaibigan at mahal sa buhay kasi dito ka tunay na nagiging masaya. Ndi man palaging nasusuklian eh atleast nakikita mo ang halaga mo sa mundo. Ipagpatuloy mo din ang pagkakawanggawa, madalas na mahihinto ka pero kelangan mong mahanap ang tunay na inspirasyon para mapagpatuloy un.

May makikilala kang magpapakilala sayo sa tunay na ikaw. Na worth kang mahalin at tanggapin. Malalaman mo din yan sa sarili mo dahil ikaw mismo ay magiging kumportable sa kung sino ka man. MAkikita mong ndi mo na kelangan gumawa ng malalaking bagay para mapasaya sila.

Mag commit ka sa isang sport, isang instrument,hobby o anuman. Takot ka kasi sa commitment kahit nuon pa kaya wala kang naging magaling o wala kang napagstayan eh. Yan ang hirap sayom andale mong magsawa. Pero ndi ka nman natatakot na tumaya, un lang ang naging magandang epekto nun.

Anyway, dito nalang muna. Gusto kong malaman mong lahat ng naging desisyon mo sa buhay eh naging maayos din naman ang kinahinatnan. KAsi eto pa naman ako eh, ok pa.. hindi lang pala OK, MASAYA.:)

Sa iyo,
Jho 26 taon gulang

Thursday, April 14, 2011

soon#2

 Sugarfree's Greatest Album!!!! Will get one soon!:) 
Remembrance ng college soundtrack namen nila Ayi.:0 Lets do this!:)

Tuesday, April 12, 2011

ASK LOVE AND LIFE: Kelan mo nalamang maganda o gwapo ka?

Ngaun na lang muling nabuklat ang usapan tungkol sa “scar” na meron ako. Kung kilala mo ako malamang ndi mo na itatanong kung ano at saang scar ang tinutukoy ko. Malamang nga kahit mga taong ndi nakakikilala saken eh agad naman maituturo ang tinutukoy ko. Sa buwan na to dalawang beses muling nabanggit o napagusapan ang scar ko. Una ay nang may nagbanggit na isa kong kaopisina na ang kelangan ko nalang baguhin sa mukha ko ay ang scar ko(Disclaimer: Sa iyo, ndi ako nasaktan nang sinabe mo na un ha?kelangan lang masabe ditto para maintindihan ng mga mambabasa ko.haha) At pangalawa, ay ngaung araw na ito, nang biglang magkaron ng usapang “kelan mo nalamang maganda/gwapo ka?”

Huli akong sumagot ng tanong na un, siguro dahil sa ako ang nasa dulo ng pagkakasunod sunod ng upo, o dahil sa hirap lang siguro silang itanong saken un. Pero anuman ang dahilan, wala pa man saken ang tanong alam ko na agad ang isasagot ko.

Ngaun ngaun ko lang nalaman na maganda ako. (sabay tawa) ang naisagot ko. Pero totoong ito ang naramdaman ko. Kasi nito ko lang talga natanggap o pinaniwalaan na “maganda” ako. (disclaimer ulit: sa konteksto at depinisyon ko yan ha?)

Bakit? Maliban sa mas madameng maganda talagang babae sa mundo ay ang natatanging dahilan lamang naman ay dahil nga sa may scar ako sa ilong. Kahit sino naman eh magsasabeng kasiraan sa pisikal na anyo ang mga scars. Bakit naman magaabala ang mga siyentipiko, cosmetologists, at mga make up artist na gumawa ng paraan para itago ang mga scars kung hindi nga ito kasiraan diba. At un naman din talga ang aking paniniwala.

Matagal na akong kinain ng insecurities ko dahil sa scar na ito. Ito din marahil ang isang dahilan kung bakit nagsikap ako sa pag aaral. Na kahit paano ay ginustong kong maging maalam o matalino o masipag para kahit anuman ang itsura ko ay mailalaban ko naman ang utak ko. Sabe nga kung ndi pwede lahat pwede naman isa lang ang meron ako.

Nang mapagusapan un, nagbalik ang lahat ng ala alang nagpatunay na nasira ang ganda ko dahil sa scar ko.

Case in point #1: Grade school. Tinawag akong Dodong. Bakit? Kasi may pelikula nuon na ang title ay Dodong Scarface. May scar kasi sa may pisngi un. Alam mo na kung bakit un ang tawag saken diba?

Case in point #2: Mga Bagong Tao. Lahat ng bagong taong makilala ko na mas matanda sa akin eh lageng nagtatanong kung anong nangyare saken. Pag naipaliwanag ko na ang lahat, ang tanging reaksyon na sasabihin nila ay “sayang, maganda ka pa naman sana”. Sa isip isip ko, “So ndi pala ako maganda ngaun?”

Case in point #3. Maganda ang bestfriend ko since highschool. Kelangan ko pa bang ipaliwanag yan?

Case in point #4. College. May ilang mga taong ginawang tampulan ng katatawanan ang scar ko, pero nakaharap naman ako. Hindi nila sinasadya un, mga loko lang talaga sila.:) May nagsabeng akala daw nya eh bakat lang sa pagkakatulog ko, ang ilan naman eh baka daw kasi nagpanose lift ako.

Yan na muna ang mga examples na sasabihin ko sa iyo. Ilan lamang yan sa mga bagay bagay na nagpatunay saken na ndi ako maganda. Pero wag mong isipin na wala kong ginawa para subukang alisin ito, kasi meron.

Habang tumatanda akong kinakain ng natatago kong insecurities eh isa lamang ang napagsasabihan ko nito. Ang aking journal. Sa huling pahina nun, nakasulat kung gano ako kagalit sa sarili ko dahil sa scar na meron ako, na kung sana wala ito sana normal ako, sana maganda ako…

Nabasa un malamang ng nanay ko kaya biglaan isang araw sinabe nyang ipaayos na daw namen ang scar ko. Hindi ko man siya naisip eh ndi ko itatangging natuwa ako sa posibilidad na maging normal o sa usaping ito maganda.

Dalawang attempts. Una sa isang salamat po, dok na doctor. Sinabi nya sa pinakarude manner na alam nya na wala na akong magagawa at lagyan ko nalang daw ng concealer. Lumabas ako ng clinic nyang akala ko ayos lang ako, pero nung tanungin na ako ng ate ko, ndi ako nakasagot kasi parang isang kandilang pinatay ang nakita kong pagasa.

Pangalawa, sa Belo Medical group, sabe kasi nila kaya nila lahat, pero nagkamali ako, sinabeng ndi na daw mababago dahil sa maaring madeform lang ang ilong ko kung susubukan pa itong gawin. Mas napansin pa nila ang mga problema sa muka ng nanay ko kesa sa inilapit naming problema sa kanila.

Kaya ndi mo masasabeng wala akong ginawa para mabago ang pangit kong mukha. Nakakalungkot man, pero mamamatay na akong meron nito.

Dito naisip ko na kung sinuman ang taong kaya akong tanggapin na may scar ay tunay kong kaibigan. Nakakagulat man pero ang mga kaibigan ko ngaung matalik eh sa pgkakaalala ko ay never nagtanong kung ano ang nangyare dito.

Ganun din naman sa buhay pagibig. Ndi naman ako ung taong naliligawan ng sandamakmak na lalake, ndi ako ang crush ng bayan na tipo ng tao, ndi ako pansinin. Kaya madalas noon naisip kong kung hindi man ako meant na magka asawa eh handa naman akong magampon. Naisip ko din na kung sinuman ang lalakeng kaya akong tanggapin, mahalin at pakasalan ng may ganito ay maaring tunay na pag ibig na nga ang nararamdaman para saken.

Hindi naman nawala ang mga insecurities ko sa scar ko. Araw araw ay isang reminder ito nang kakulitan ko at kahinaan ko bilang tao. Pero ndi ako nagpapatalo, dahil may mas marami akong magandang aspeto kesa sa scar na meron ako.

Thankful ako dahil ndi ako tigyawatin, na hind ako bungal, na kumpleto pa din ang mata ko, na ndi ako deformed tulad ng iba. Mas madaling dalhin ang kakulangan (kung kakulangan mang matatatawag) ang meron ako kesa sa ibang taong nagbibitbit ng mas mahirap na problema kesa saken. Ndi naman naging kabawasan ito para sa aken. Meron sigurong mga oportunidad na di ko pwedeng gawin tulad ng maging model, magkabillboard, maging flight attendant, atbp.hehe. Pero mas marame pa din ang oportunidad na ginawa, ginagawa at gagawin ko.

Marahil marameng taong nagiisip na napakafeeling ko kasi ina-assume kong maganda ako. Ndi naman ata masama un. Sabe nga nila Love your Own. Kung ndi ko kayang tignan ang sarili ko sa salamin na meron nitong scar na ito, sino pa ang makakatanggap saken. Ndi din naman ako naging paralisado sa mga pwede kong gawin bilang tao. Pareho pa din naman, ang kinaibahan lang, pag namatay ako nang walang ID eh madali akong ma iidentify. Dahil sa mundong ito ilan lang ba ang may scar sa ilong? Trademark kumbaga.


So kung matatanong man akong muli ng ganitong klaseng tanong, eh alam ko parin ang isasagot ko. Oo maganda ako, pero ngaun ko lang ito lubusang natanggap sa sarili ko. Kontrahin man ako ng iba e paniniwalaan ko pa din ito.


Ikaw, kelan mo nalamang maganda/gwapo ka?:)

Thursday, April 7, 2011

ASK LOVE AND LIFE:Totoo pala

Minsan naalala ko sa isang prayer session dito sa office, may nagkwento na lahat daw ng gusto nya ay isinusulat nya sa FB status nya, at surprisingly ay nagkakatotoo sila. Nung una ndi ako ganon kabenta sa ideya, kasi ndi ko din naman personalidad na maglagay ng mga bagay bagay na gusto ko out in the open for everyone to see.

Pero ngayon ko napapansin na maaring may katotohanan nga ang mga bagay na ito, kasi ngayon taon na ito, lahat halos ng gusto ko, na materyal na bagay eh nakukuha ko. Ang galing talaga, minsan palang akong nagsulat nun sa bulletin board ko sa kwarto. Hindi man lahat ng ito ay nagkakatotoo pero tingin ko unti unti nang ibinibigay ng mundo ang mga kahilingan ko.

Nagbalik saken ang libro ni Paolo Coelho na The Alchemist. Sabe dun, "whole universe will conspire to help you" parang ganun. tingin ko ganun na nga ata talaga. Ansaya lang.

Maliban sa sayang nararamdaman ko eh ang pagpapasalamat sa lahat ng ito.:) more to come please.:)

Wednesday, April 6, 2011

ANYTHING UNDER THE SUN:blank

nang dumating ang araw na wala akong masulat.. sayang ang mga nakaraang araw na naguumapaw ang mga ideya sa utak ko na parang gripong nawalan ng handle bigla at may napakalakas na tagas.

nanumbalik na naman ang panahong ayaw na magtype ng kamay ko, ayaw din magcheck ng mga papel na dapat ko nang bigyang pansin. Ni ndi ako makasulat ng mga bagay na nangangailangan na ng agaran kong atensyon dahil ang susunod na kabanata ng buhay ko ay nakasalalay sa bagay na un.

hay buhay.

TRAVEL MARVEL:Looking forward to my Summer 2011

1. CWC Camarines Sur with NSTP Facis
2. Caramoan Island (extended vacation)
3. Borawan, Quezon with Super Ayi and Super Bri

Beach, Sun, and Sand, I'll see you soon.:)


ANYTHING UNDER THE SUN: Di na KaWILLIE WILLIE si Willie

Matagal na akong ndi natutuwa kay Willie Revillame. Inisip ko dati kasi, fan ako ng Eat Bulaga, at simula nang labanan niya ang favorite noontime show ko eh nabwisit na ako sakanya. Andame na nyang nagawang kabulastugan at kalokohan pero surprisingly ay ndi siya kelanman naparusahan. Madalas pa nga na siya ang mayabang pa pagkatapos ng kung anumang kontrobersiya sa kanya. At ngaun may bago na naman siyang kontorbersiya na kahit sino ata eh ndi dapat matuwa o ipasawalang bahala ito. Ndi na ako magsusulat ng detalye ng nangyare sa isyu na ito. Mas magandang panuorin nyo na lang ang be the judge of it. Hay, sana this time ndi na siya mapawalang sala.

Write up on Willie Revillame

Thursday, March 31, 2011

TEACHER'S TALE: Sa Ngalan ng Tubo Part 1


*Para lubusan maintindihan ang mga sinasabe ko magandang mapanuod ninyo ito.*

Part 1
Part II
Part III
Part IV

TEACHER'S TALE:Taya

Sa buhay anong kaya mong itaya? Kung ang buhay ay isang laro, anung kaya mong isugal? Maaring ang iniisip mo eh usapang pag-ibig ito. Sa totoo lang, nagkakamali ka. Hindi na usapan ng puso ito. Madame na akong nasulat tungkol dito, at sa estado ko ngaun wala pang kumukurot sa puso ko. (segway lang)

Sa totoo lang, nainspire lang talaga ako sa isang kanta ng Up Dharma Down na Taya. Pero ang tema nung kanta eh tungkol sa pagmamahal. Pero nairelate ko ito sa cause ng mga magsasaka at mangagawang bukid ng Hacienda Luisita.

Taya by Up Dharma Down

Sa ilang dekada na, tingin ko lang sila na ata ang may pinakamalaking sinugal at itinaya sa laban nila, o naten. Mula nung 1957 na kinuha ng mga Cojuangco ang lupa na totoo namang kanila ang lupa, sa pagkitil ng buhay ng ilang mga magsasaka nung masaker, at pati na ang mismong mga susunod na henerasyong magtutuloy ng nasimulan na ng mga nakatatanda sa kanila.

Para sa kapirasong lupang hinihingi nila sa mga Cojuangco Aquino ay isinugal nila ang kanilang mga buhay, pati na ang kalayaang mabuhay na walang takot na minsan isang araw ay bigla nalang may kukuha sa kanila na kikitil ng kanilang buhay. Patas na karapatan lang naman ang kanilang nais. Karapatang mabuhay na ndi nangangambang bukas ay wala na silang makakain, na ang bawat anak nila ay may oportunidad na makapag-aral sa isang maayos na paaralan, na maibigay sa pamilya ang buhay na magaang at masaya.

Araw- araw sa buhay ng bawat magsasakang nakausap ko sa Hacienda Luisita ay laging nakataya.

Pero kahit ni isang beses, ndi ko sila nakitaan na takot. Takot na magdudulot na atrasan o bawiin ang kanilang isinugal.

Salamat at handa kayong isugal ang lahat ng iyan. Hindi lang para sa inyo at sa inyong komunidad, ngunit pati sa akin na umaasang magtagumpay ang sugal na iyan.

Susugal na din ako. Kayo? Handa na ba kayong sumugal?

Wednesday, March 30, 2011

TEACHER'S TALE:Pagtuyo ng Luha

Ilang beses ko nang binalak magsulat tungkol sa karanasan ko sa Hacienda Luisita, pero tuwing gagawin ko eh napanghihinaan ako ng loob sa pagiisip na maaring ndi ko mabigyang hustisya ito sa blog na to.

Pero mahina man ang loob ko eh eto na nga ako at nagsusulat na. Pang-apat na balik ko na sa Hacienda Luisita nitong nakaraang linggo. Nakakagulat man, pero sa pang- apat na pagpunta ko dun eh, ndi pa rin ako tinakas ng pagluha ko. Sunday na noon eh uuwi nalang kame, pero dahil sa teacher nga ako eh hindi naman maaring wala akong sabihin sa klase ko. Dun na lumabas ang lahat ng saloobin ko.

Saloobin ukol sa pagiging guro kong napanghihinaan din ng loob, sa mga attitude ng estudyante ko, ako bilang nagtitiwala sa adhikain ng mga farmers ng Hacienda Luisita, at ako bilang tao.

Sa kahit anong aspeto man natin tignan, makikita sa bawat pagpunta ko dun, sa bawat salita ng mga magsasakang nakilala ko, sa estado ng kabuhayan, edukasyon, at kalusugan ng mga tao dun, masasabe natin agad, walang patumpik tumpik, na "OO, may mali nga talaga!" At malungkot man sabihin na ang MALI na ito ay nakakaapekto sa ilang libong tao. Hindi namimili ang MALI na ito ng edad, kasarian, kulay, katawan, atbp. Basta taga Hacienda Luisita ka eh kasama ka sa epektong dala ng MALI na ito. HIndi ako eksperto sa pagexplain ng nangyare sa kanila, pero tiyak kong naiintinidhan ko ito ng malinaw na malinaw. Sa kahit na ano pang anggulo tignan, ndi kelanman naging tama ang mang abuso, mangamkam, at pumatay ng tao, literal man o ndi.

Lupa lang naman ang sigaw ng bawat isang nakausap ko sa Hacienda. Ndi nila kelanman binanggit saken na gusto nila ng magarbong bahay, mamahaling sasakyan, o kung anu pa mang luho sa mundo. Napaka basic lang naman talaga ng gusto nila, makapagsaka ng sarili nilang lupa, kalayaang makapagtanim, umani, kumain, at kumita sa tamang paraan. Paraang alam nila.. at un ay ang pagsasaka.

Isa sa mga ndi nagfafail na magpababa ng luha ko ay ang mga batang naisasakripisyo ang kanilang pag-aaral, dahil sa ganid ng iilang matataas na tao. Nitong weekend nakilala ko si MJ, andun kasi siya nakatambay sa bahay ni Tatay Jerry. Nagpapractice siyang magbasa, eh dahil sa teacher ako, ginuide ko siya sa pagbabasa. Magaling na siya magbasa, at ang binasa nya nun ay isang bukas na liham tungkol sa kaso ng mga mangagawang bukid sa Hacienda Luisita. Binasa nya ito buong buo, pero nung tanungin ko siya, ndi niya alam kung saan ang Hacienda at kung sino ang sinasabe sa binasa nya. Ni hindi nya alam na siya mismo ang dahilan kung bakit may sulat na ganun. Para sa kanya ang bukas na liham na un. Pero dahil sa maling sistema ng pagpapalakad sa hacienda, wala siyang kamalay malay na para saknya pala ang laban na iyon.

Hindi pa tapos ang laban. Laban ndi lamang sa lupa. Laban para sa kinabukasan na di lang iilan sa mga tao ng Hacienda Luisita pero para sa buong sambayanan. Madalas akong magtaka kung anong maari kong iambag sa laban na ito. Wla naman akong talentong tulad sa mga manunulat, manunula, mga artist na may maitutulong sa laranagan ng arts. Di rin ako aktibista at ndi ko din ata kakayanin ang buhay nila dahil napakahirap. Saan nga ba ako tutulong? Paano?

Sa matagal na panahon, ndi ko nakita na ang sagot pala sa tanong ko ay nasa harapan ko na, limang taon na ang nakalipas. At ito ay ang pagiging guro ko. Isa akong guro na may kakayahang dalhin sa loob ng klase ang mga nalalaman ko. Kakayahang imulat ang mga kabataan sa totoong laban ng mga tao. At ito ang gagawin ko.

Kasama ng pagkilos ay ang paniniwala kong kailanman ay hinding hindi mauubos ang luha ko para sa kanila.

Wednesday, March 23, 2011

Ang mga Lalake talga, OO!

( Sagot sa naunang post. Galing ulit sa computer.:) )

Kaming mga babae na naman ang nakita. Lalake, agrabyado. Lalake, kinakawawa. Lalake, hindi maintindihan. Hmmp, parang masyado yatang nagisa ang mga kabaro ko. Tungkol sa pagiging patas sa ngalan ng pag-ibig, kami naman ang laging talo a, hindi kayo. Kami ang laging lugi, kami ang laging nawawalan at iniiwan.
Kapag ngumiti ka na ng konti, nag-ayos ng konti pagkakamalan ka nang malandi. Hindi pangseryosohang relasyon. Marinig lang nila na malakas kang magsalita, palengkera ka na. T.O. kagad sa kanila iyon. Mahilig silang tumingin sa mga babaeng sexy manamit, kulang nalang makita na kaluluwa. Pero kapag babaeng seryosohin at gustong ligawan dapat disente, dapat mala-anghel ang mukha, dapat mukhang inosente. Tapos kami pa raw ang mahilig mamili? Parang baliktad yata? Chaka pag ligawan, kayo nakakapamili ng liligawan nio dba? Kami makakapamili ba kami? hindi, no choice talaga
Ok, ayan nanliligaw na si lalake. Dapat pakipot ka para suyuin ka, para habulin ka pa lalo. Kapag hindi ka naman nagpakipot "easy to get" naman ang tingin sa iyo. Hindi ka na seseryosohin. Sino bang may sabing magpaalila kayo, di naman namin hawak ang buhay niyo. Natural lang na magtiis kayo, may gusto kayo sa amin eh. Kapag nakuha niyo na iyon wala na lahat ng mga paghihirap niyo, babaliktad na ang sitwasyon kami naman ang mamromroblema. Para lang kayong may gustong bilhin na bagay. Upang mabili ito kailangan munang magsakripisyo, magtipid, magtiis. Pag nabili na at napagsawaan wala na, balewala na.
Diyan ka na sa tabi-tabi. Tawagan nalang kita pag trip ko o kaya'y pag may gusto akong ipagawa sa iyo.
Ano pa ba? E di sinagot mo na diba. Utang naloob pa natin yun. Dahil naghirap daw sila sa panliligaw dapat masuklian natin iyon ng higit pa. Sa umpisa kailangan malambing ka, maayos at laging magsisilbi sa kanya. Ayaw daw nilang humawak ng relasyon, pero kapag ikaw naman ang nagmando, aba, masasakal naman. Sasabihin pa sa iyo "demanding" ka. Meron ka pang maririnig na "I think we need space" at kung anu-ano pang ek-ek. Sino rin may sabing di dapat kami magpakabait, maging devoted at faithful? Kapag kami ang sumaway niyang mga iyan, iba na ang tingin sa amin. Malandi na kami, haliparot, pakawala, makikay at kung anu-ano pang mga bansag ang itatawag sa amin. Kapag kayo gumawa noon, ok lang. Lalake kayo eh, macho kayo pag ginawa niyo iyon. Kaya kami. Walang magawa. Magpapakaburo at magpapakamadre nalang. Kapag nagloko na kayo ano pa bang magagawa namin? Eh di iiyak nalang. Wala namang ibang magagawa eh.
Tungkol naman sa tinatawag niyong pagdedemand namin. Hindi kami nagdedemand! Karapatan lang namin iyon. Karapatan namin na lambingin niyo kami, icheck at ipakita sa amin na mahal niyo kami.
Hindi rin ibig sabihin na mas sincere kayo sa amin. Seryoso rin naman kami ah. At ang maturity wala yan sa edad. Mas maaga nga kaming magmature sa inyo. Ang isang 19 year old na lalake eh, isip 15 pa yun. It follows iyan sa lahat ng age group. Mas mataas pa nga kung minsan ang pagbawas ng level of maturity. Kayo na ang mag-math. Pati yung pag-iyak namin pinupuntirya niyo. Kesyo drama daw. Diba kapag umiyak ka nagbuhos ka ng emosyon diyan. Ano tingin niyo sa amin mga artista?!
Alam niyo iyon? Yun bang kulang nalang ay lumuha ka na ng dugo, pero hindi ka pa rin papansinin. Sasabihan ka pang tigilan na ang pagdradrama. Hindi nila kami maintindihan kapag nagseselos kami. Bakit naman kami magseselos kung wala kaming nakikita? Mas iba kaming magmahal. Mas masarap.
Kapag natapos na ang lambingan, eh di siyempre iwanan blues na. Kami pa raw ang nagsawa, kami pa raw ang nagtritrip lang. Sino ba ang lumalayas kapag may nakita nang bago, sino ba ang mayabang, sino ba ang nagmamalaki? Kami ba? Kami ang walang choice. Kasi ang babae pag sinabing "break na tayo" lambingin lang iyan ng konti balikan blues na iyan. Kapag ang lalake ang umayaw, pucha, bahala ka diyan. Kahit mag-tambling ka pa sa harap niya. Wa-epek. Umiyak ka ng bato. Wa-epek. Tsk, tsk, tsk. Tapos sila pa raw ang kawawa.
Post-break up, mahal pa ng babae si lalaki. Sasamantalahin ni lalaki. Magpapagawa ng kung anu-ano. Naaalala ka lang kapag may kailangan sa iyo. Kapag pumangit ka after the break up, magpapasalamat sila na iniwan ka nila. Kapag gumanda ka naman, ipagkakalat nila sa buong sangkatauhan na naging girlfriend ka niya. Sala sa init sala sa lamig talaga.
Ano ba namang buhay to? Ang hirap ding maging babae ano. Kala nila laging sila nalang. Lagi rin kaming naiiwan sa ere.
In-love din kami.
Ang mga lalake talaga, oo.

Ang mga Babae Talaga, OO!

(galing sa computer dito sa school, bago mag bura ng files. Maganda siyang basahin, nakakaaliw:))

ANG MGA BABAE TALAGA OO
*gabi. usapang lalake* *sindi ng yosi* *hithit* *buga*
Musta na, pare? Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni-muni. Nag-iisip. Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba. *hinga ng malalim*
Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit 'sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal. *tingin sa stars*
Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal? E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya? Ang feeling ng masaktan pag nabasted? Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap naten e. Ang alam lang ata nila e mamili, manakit, at magsaya. Tingin mo? *tingin sa malayo*
Lagi naman ganun. Una pa lang, lalake na ang naghihirap. Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano pang diskarte ang gagawin naten para masabi naten sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun? Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba? Tapos liligawan pa naten. Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max. Maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na lang e pagsilbihan mo nang walang sahod. At ano ang kapalit? Well, depende sa trip nila. Oo tol, sa trip lang nila. Wala silang pake kesehodang mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha naten, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-buo. Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan. Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo. Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan mong maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad trip, iiling-iling, at minsan, luhaan.
Wala tayong magagawa, marami silang alibi. "Hindi pa 'ko ready eh..", "Sorry pero I think we should just be friends..", "Ha? Uhhmm.. nagpapatawa ka ba? Hahahaha.." "Better luck next time na lang muna, okay lang?", "Give me a decade. Pag-iisipan ko muna..", "Para lang kitang kapatid e..", yaddah yaddah. Isang malaking pagsasaklob ng langit at lupa 'yon para saten. *kuha ng bote ng beer* *lagok* *lunok*
At hindi lang 'yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang yon. Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle. Tayo daw ang mga lalake kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang magiging devoted at faithful; tayo, tayo tayo.
Sila? Ummm? Teka, isipin ko.
Ayun. Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet; sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kung kelan ka dapat mag-shave, kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung kelan sila di dapat bad tripin dahil meron sila, at kung kelan ka korni. Ewan. Ganun ata talaga. *kuha ng bote ng beer* *lagok* *lunok*
Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda, edi okay. Pag may problema, kasalanan naten. Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun. *hinga ng malalim*
Pero alam mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo magmahal Alam mo yun, iba tayo magmahal e. Hindi lang
parang laru-laro lang. Seryoso. At kung magmahal man tayo, lubus-lubusan. Mas mature. Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa. Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.
*hinga ng malalim* *tingin sa malayo ulit* At ito pa ang pinakamasaklap. *singhot*
Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong 'to, either sawa na sila, hindi na tayo trip, may nahanap na silang better saten, o kaya they need f*cking space and time muna. Bad trip no? Wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod.
At ano pa ang kasamang hassle don? Syempre wasak na ang imahe naten. Tayo ang lalabas na may kasalanan. Na playboy. Na nagpapaiyak. *iiling*
Tayo siyempre ang mga antagonist at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak. Ang ending: mag-ooffer sila ng "friendship" kuno matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila, sawi tayo sa pag-ibig, "player" na ang image naten, at higit sa lahat, mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di na naman makakatulog.
Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang naiiwan sa ere.
Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka no? Ako, kamusta? Eto. Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong hininga.
Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok-lagok ng alak. Ang mga babae tala

Sa Mata ng Kaaway

Makailang beses na akong nakarinig, nakabasa, nakapanuod ng ilang mga pananakit at pang aabuso sa mga kababaihan. Minsan na rin akong naging biktima ng mga pananakit, pangaabuso, at pangbabastos ng ilang mga kalalakihan. Pero hindi naging malaking isyu ito para sa akin, dahil alam kong anuman ang mangyare ay kaya kong ipagtanggol (kung pagtatanggol nga ba itong matatawag) ang sarili ko.

Pero nag iba ang lahat, isang kwento, isang pagsasabi, isang pag amin. nagbago ang tingin ko sa lahat. Mas madali pala kasi pag ako ang nasa sitwasyon, mas madaling umayaw, magsabe ng hindi. Pero iba ang kalagayan ngayon, wala ako sa posisyong lumaban o kuhain ang hustisya na para sa taong ito.

Ndi ko malaman, kung paanong ang isang taong nasa maayos na pagiisip, nakapag aral, mabuti ang pamilyang pinanggalingan ay kayang tumingin sa akin ng diretso,
walang pagaalinlangan
walang takot
walang konsenysa

Ikaw! na dapat unang unang nasandalan,
natakbuhan
nagtanggol
nakipaglaban

ay isa nang kaaway...

hanggang kelan ang panlilinlang.. sa mata ng kaaway.

Monday, March 21, 2011

subok lang


Ginamit namen ang istoryang ito sa isang outreach sa Reception and Study center for children sa may Quezon City:) pangalawang subok sa pagsulat ng kwentong pambata. :)


Ang Apat na Manlalakbay

Isang araw sa kagubatan, masayang naglalaro ang apat na magkaibigang sina Elay Elepante, Benny Baboy, Perla Pusa at Ugi Unggoy. Habang naglalaro sila ay biglang may nahulog na isang malaking basket sa kanilang harapan.

Ela Elepante: (Gulat) Waaaaaaaahhhhhhhh!!!!
Benny Baboy: Ano yun?
Loi Unggoy: Isang basket!!!
Perla Pusa: Tignan naten.

Dahan dahang nilapitan ng apat ang basket. Binkusan nila ito at nagulat sa kanilang nakita.

Sabay-sabay: Wow! Ano ito?

Pagbukas nila ay may nakita silang apat na bagay sa loob ng basket na may nakasulat na pangalan nila. Isa isa nila itong kinuha at tinignan. Unang kumuha si Loi Unggoy (Bracelet na may nakasulat na Loi)

Loi Unggoy: Ang akin ay isang bracelet. (sinuot ito) Wow, saktong sakto sa akin.

Sumunod si Benny Baboy (Kwintas na may Benny) Ang akin naman ay isang kwintas! Ang ganda!

Pangatlo ay si Ela Elepante. Isang magandang belt naman ang akin.
Huli ay si Perla Pusa: Anklet and akin. Ang ganda!

Isinuot ng apat na magkakaibigan ang mga nakuha nila sa loob ng basket. Ndi nila alam na ang mga gamit na ito ay may angking lakas at kapangyarihan.

Kinabukasan, nagbalik sa kagubatan ang apat na magkakaibigan. Habang sila ay naglalakad ay may nakita silang isang mama na nagpuputol ng puno sa parteng iyon ng gubat.

Mama: BWAHAHHAHAHAH!!!! Puputulin ko ang lahat ng puno ditto at tatayuan ng matataas na gusali! Hahaah!!!!!

Nagulat ang apat na magkakaibigan.

Ugi Unggoy: Nako, paano na tayo at ang iba pang hayop kung magpapatuloy ito?
Elay Elepante: Wala na tayong matitirhan
Perla Pusa: Wala na tayong makakain.
Benny BaboyL Wala na rin tayong mapaglalaruan.

Nalungkot ang apat.. at sa malayo ay patuloy pa rin ang mama sa pagputol. Habang nagpuputol ng puno ay nakita ni Perla Pusa na may nahuhulog na pugad mula sa natumbang puno.

Perla: Ang pugaaaaaaaaaaaadddddddddd….. (takbo ng mabilis at nahuli ang pugad)
Benny, Ugi at Elay: HAAAAAAAAAAA!!!!!!!!
Perla: Buti nalang nasagip ko.
Benny, Ugi at Elay: Nakangangang nakatingin kay Perla.

Perla: o bakit? Anong nangyare?
Loi: napakabilis mong tumakbo Perla
Benny: oo nga, nakakamangha ang bilis mo!
Perla: (gulat) Oo nga no, Pero paano kaya? Hindi ko din alam pero nung makita ko ang pugad naisip kong kailangang gawin ko
Ela: Galing mo Perla!:) nasagip mo ang ibon.

Ilalagay na sana ni Perla ang pugad sa isang puno nang biglang:

Enngggg EEEEEEEEENnnnnnnnnnnnnnggggggggggg EEEEEEEEnnnnnngggggg!!!! (malalaglagan ng puno si Perla)

Ela: PEEEERRRRLAAAAAAAAA!!!!!! (Agad na hinarang ni Ela ang malaking troso, naharang ni Ela ang puno)
Beni: ikaw din Ela, ang lakas ng iyong katawan.
Ela: Oo nga, Beni, ngunit kailangan maialis na sa akon ang trosong ito pero di ko magawa ng aking kamay.

Loi: Paano yan? Ela?
Beni: Susubukan ko (sinubukan pero di kinaya)
Ela: Ikaw kaya Loi?
Loi: Huh? Pero Pano, mabigat yan eh.
Ela: Sige na

At nabuhat nga ni Loi.
Loi gulat. Ha ? Napakagaang ng troso! Ang dali nitong buhatin!
Beni: Ang galing! Paanong nagawa ninyong tatlo yun?
Perla: salamat Ela at Loi.

Loi at Ela : Walang anuman pero paano nangyare ito ?
Beni: Hindi kaya dahil sa mga gamit na nakuha natin?
Perla: oo nga. Maari?bakit si beni wala?

Brrrrrrrr....... brrrrrrrrrrrr....... ennnnnnnnnnnnnnggggggggggggg....
Nalaglag ang pun.... brrrrrr..........engggggggg

Aaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!saklolo!
Beni: May nasa panganib. Kelangan naten tulungan siya.
Perla: ha? Panu mo alam Beni? Wala naman eh
Beni: basta sundan nyo ako

(nglakd at nakita ang mamang mantotroso na nadagdagan ng puno)
Tulungan naten.

At ginamit nga ng apat ang lakas nila upang tulungan ang mama.
Nailigtas ng apat ang mama,

Mama: salamat sa tulong ninyo!
Beni : maari po bang wag na ninyong tayuan ng gusali ang aming kagubatan ?
Mama : HA ! PERO !
Perla : mawawalan po kasi kame ng tirahan
Loi: mapagkukunan ng Pagkain
Ela: at mapaglalaruan
Beni: paano naman po ang buhay namen?

Mama: ha? Aba oo nga ano? Ndi ko iyan naisip.
Sige, simula ngaun ay tutulong ako upang maisaayos ang kagubatan.

The End

*photos courtesy of google*

Tuesday, March 15, 2011

Nang maglaro si Tadhana

Sino ba si Tadhana? Ilang beses ko nang narinig, nabasa, nakanta ang tadhanang iyan. Pero kahit minsan ata eh ndi pa nagging totoo si Tadhana para saken.

Sa lahat nang nagging mga nakaraan ko, pinilit kong makita si Tadhana sa mata. Sabihin na oo ikaw na nga si Tadhana. Pero ilang beses din akong nabigo. Ilang beses akong umasa na hawak at kapiling ko na si Tadhana.

Lumipas ang mga taong naniwala ako sa katotohanan na eto na siya at wala na akong magagawa pa kung hindi ang pasalamatan na dumating na siya at nagdesisyon na manatili sa akin. Kahit pa ndi na iyon ang tadhanang naisalarawan ko sa aking isipan. Ndi man siya ang nagging sagot ng dinadasal kong tadhana ay nagtiis ako na tanggapin at paniwalaang ito nga ang para saken.

Pero, kinalasan ko ang pinaniwalaan kong Tadhana ng matagal na panaho. Sinabe kong maaring ang Tadhanang nasa harapan ko ngaun ay isa lamang panlilinlang sa tunay na tadhana na naghihintay para saken. Hindi ko na pinigilan ang sarili kong hanapin ang tunay kong tadhana. Nabulag ako nang matagal pero nagpapasalamat ako dahil ang huwad na Tadhanang iyon ang tumulak sa ken para makita ang Tadhanang tunay na akin.

Ngunit mapaglaro talaga si Tadhana.

Malapit ko na siyang makita, eto na nga at konting linaw na lamang ng mata ay alam kong andiyan na nga siya.

Kaso ako na naman ata ang nakita ni Tadhana para mapagtripan. Nagantay lang ako nang tamang panahon para maging handa, pero imbes na panahon para maghanda ay nagkrus ang daan ko sa isa na namang panibagong Tadhana.

Tatlong magkakaibang tadhana ang nasa harapan ko ngaun.

Ikaw.

Siya.

Ako.

Tadhana nga naman.

Wednesday, January 5, 2011

Kaganda at Kaartehan

Minsan sa isang biglaan kwentuhan, napagusapan ang koneksyon ng arte at ganda. Sabe ng kaibigan kong si Emil, dapat daw ay pantay ang arte mo sa itsura mo. Kung titignan napaka discriminating, na para bang wala nang karapatan ang ndi maganda para umarte. Pero masakit man tanggapin, totoo naman un. Bakit ka nga naman aasal nang malayo sa dapat mong asal? Ang malungkot lang, maraming tao ang ndi nakaiintindi nun. O di naman kaya iba ang nakikita nila sa salamin (?) haha!

Pero ang mas nakatutuwa ay ang realidad na ndi la ng pala kame ang nakapagisip at umaayon sa "pilosopiyang" yun. Eto na at naisulat ni Lourd De Vera.

Umasal Lamang Nang Ayon sa Ganda


Q: Bakit kailangan nito sa mga panahon ngayon?

Dahil sa mundong pataas nang pataas ang stress levels, dala ng banta ng climate change, kriminalidad, trapik, polusyon. Wala nang mas nakakakulo ng dugo kesa sa isang taong hindi umaasal nang ayon sa kagandahan.

Q: Ano ba talaga ang ibig sabihin ng pilosopiyang ito?

Ilang gabay, alituntunin, at halimbawa:

• Kung di naman kagandahan ang katawan (at lalo na kung tadtad ng kurikong ang balat), ‘wag mag-post ng mga Boracay pics sa Facebook. Polite lang ang mga kaibigan mo pero pinagtatawanan ka nilang lahat. ‘Yan ang mapait na katotohanan.
• ‘Wag artehan ang pananalita. Wag lagyan ng impit at kulot kung wala rin lang natural na impit at kulot ang dila mo—unless lumaki ka sa US, nag-aral sa mamahaling paaralaan, nakatira sa exclusive subdivision, o nanggaling sa pamilya ng mga panginoong may-lupa.
• ‘Wag magpumilit mag-Ingles kung di ka rin lang naman lumaki sa Forbes Park o nag-aral sa I.S. Mas lalong wag na wag kung mali-mali rin lang naman ang Ingles mo.
• ‘Wag mag-sleeveless kung maitim ang kili-kili. ‘Wag na ‘wag mag-sleeveless kung maitim na nga ang kili-kili, pamalo pa ng dalag ang mga braso mo. Mas na mas na ‘wag—nakikiusap kaming lahat lalo na ang mga tropa ko dito sa Project 2—lalo na’t lumalabas ka pa sa TV. Alam naming karapatan ng bawat tao sa mundong itong magsuot ng sleeveless, pero tandaang karapatan din naming laitin ka nang bonggang-bongga.
• Kung di rin lang naman kagandahan, wag magti-tweet ng “WALANG GUWAPO DITO" dahil masaklap ang tatalbog sa iyo na paghusga. Wag rin magti-tweet tungkol sa kalidad ng wine lalo na’t bisita ka lang. At kahit na may training ka sa oenology, ‘wag manglalait ng wine ng ibang tao—lalo na’t pinapasuweldo ka ng taong bayan.
• Kung ka-edad mo na si Madonna, wag nang labanan ang makinarya ng panahon at isipin na ikaw pa rin ang seksing haliparot noong 1985. Kahit cultural icon ka na. Ang pagsuway dito ay magdudulot lamang ng matinding bangungot sa mga milyong-milyong tao tulad ng sa latest mong music video.
• Kung ‘di rin naman talaga model, huwag tangkaing mag-model—maliban na lang kung ang produkto ay hollow blocks o kaya’y Pigrolac. Sinadya ng Diyos na bigyan ng angkop na tangkad at ganda ang ibang tao para sa trabahong ‘yun.

Q: Ano ang kinaiba nito sa “Kung ‘di rin lang kagandahan, wag mag-inarte?"

Wala masyado—magkamag-anak nga sila, in fact. Pero masyado namang garapal itong nasa itaas. Pero ‘yan ang masakit na katotohanan: marami talagang hindi umaasal nang ayon sa ganda.

“Things that are pure within themselves evoke pleasure, thus beauty," ika nga ni Socrates. Sa Tagalog, naaalibadbaran tayo sa di-kagandahan. Lalo na’t nag-iinarte pa.

Ang di pagsunod sa batas na ito ay nagdudulot ng mga di-kanais-nais na pakiramdam sa mundo. Basic human courtesy lang dapat, di ba? Hindi tayo umuutot at pinapaamoy sa katabi natin. Hindi natin dinuduraan ang pagkain nila. Pag humihikab tayo, tinatakpan natin ang ating bunganga. Ang pag-ebs ay isang pribadong aktibidad at hindi natin ipinagmamalaki sa ibang tao.

Q: Bakit marami pa ring mga taong hindi kagandahan na hindi likas na sumusunod sa pilosopiyang ito?

Hindi ko rin alam. Bakit ba may mga taong nagnanakaw? Bakit may mga taong pumapatay? Bakit may mga mahilig manood ng child pornography o kaya bestiality? Bakit may mga opisyal sa gobyernong nakaw pa rin nang nakaw kahit na sobra-sobra na ang mga pera nila sa Switzerland?

“Good nature will always supply the absence of beauty; but beauty cannot supply the absence of good nature,"ika nga ng Briton na si Joseph Addison. Ang mahirap ay kung pangit ka na nga, maarte ka pa at masama pa ugali mo. Yung mga ganoon ay wala na talagang pag-asang lumigaya sa mundo kahit ilang hamster o pusa pa ang alagaan nila.

Q: Ano ang karaniwang nangyayari kapag hindi umasal nang naayon sa ganda ang isang tao?

Wala naman sigurong direktang koneksyon ang stress at ang mga di-kagandahang billboards sa Edsa, pero tingin ko yung kay Joel Cruz Aficionado ay isang ehemplo ng hindi umaasal nang ayon sa ganda. Ang isa pa ay yung kay Ellen Lising ng Ellen’s Aesthetic Surgical Center (Naaalala ko bigla yung The Crow. O kaya yung Joker ni Heath Ledger sa Dark Knight). Naiintindihan ko na karapatan nila ang ilagay ang mga pagmumukha nila sa mga naglalakihang tarpaulin sa bawat sulok ng Maynila. Pero magkaiba yung pag-promote ng negosyo sa pananakot sa kapwa tao.

Q: Ibig sabihin ba nito: Ang mga pangit ay wala nang karapatan mag-inarte?

Kung magdudulot ng pagtatalo sa magkakaibigan, argumento sa magkaka-opisina, suntukan sa bar dala ng kaartehang ito--- oo, wala silang karapatan.
Pero, nasa demokrasya pa rin naman tayo. Kaya, sorry na lang ako.

Q: Totoo bang pinagpapala o mas sinesuwerte ang mga taong umaastang sapat lamang sa kanilang natural na ganda?

Higit pa sa pagpapala ang ihahain sa iyo ng langit. Kabit-kabit kasi yan. Una, hindi maiismiran ang iyong dangal. Hindi ka pagbubulungan. Hindi ka pagpipyestahan ng kritisismo at tsismis. Kung walang maipipintas, walang papasok na panlalait sa aura mo, walang magnet ng negatibo. Despues, gagaan ang buhay. Tiyak na ang pagpasok ng swerte sa buhay.

Q: Magbigay ng mga halimbawa ng mga taong umaasal lang nang angkop sa kanilang ganda.

A. Buti na lang marami pa sila. Si Lucy Torres Gomez ay isang halimbawa nito. Kung tutuusin ay may karapatan siyang umasta sa anong paraang nais niya—dahil siya naman talaga’y diyosa ng kagandahan. Pero kahit na ganoon ang sitwasyon ay hindi niya kailanman inabuso ang pribelehiyong ito. Alam niya kung anong asta ang bagay sa kanya. Laging nakangiti, mabait ang pakikitungo sa tao. Hindi binabalandra sa madla ang kanyang mga mamahaling damit at pabango.

Shalani Soledad, maganda at sikat pero hindi rin nakitaan ng angas. Simple lang siya. In fact, siya pa rin ay larawan ng lumanay kahit sa gitna ng ingay at gulo ng game show. Masdan at pakinggan kung paano siya magbilang ng “…One… two… three… Goooow!"


Q: Bakit naman ito pa ang napili nating pag-usapan sa pagpasok ng bagong taon at hindi ang mga hula-hula at mga pampasuwerte sa buhay?

A: Dahil wala akong bolang kristal at wala ka ring makikitang turban sa ulo ko. Umaasal lang ako ayon sa aking ganda.

Artwork by Warren Espejo.

Monday, January 3, 2011

Reminscin year 2010 (Part II)

*New found FRIENDSHIPS
I thank God for new blessings He lead me to.:)




*The family that party(s) together stays together.
This year was filled with family celebrations. The highlight of the year was the Welcome New Senior Citizens Birthday party for our parents. Also, we would always celebrate any holiday that was created or we would create our own.



*The First Times
This year I have experienced so much like zipline, played frisbee, jumped in a trampoline, and lastly be a "yaya" for a day in Wyatt's field trip.





*Me in my Traveling Pants
I went traveling this year in Asia and in the Philippines. This is one of the expenses of my life and i don't regret any of it. Traveling anywhere is an opportunity for me to understand the world, people and especially myself. If only I had more money and time, Id love to travel everyday!:)





*Jho in 2010
2010 has been very good to me. I even consider it to be one of the best years of my life. It was so wonderful that I had to do this blog. I think I owe it to the universe to give back for all the amazing blessings it conspired to give me. (inspired from Paulo Coelho's Alchemist) I have grown so much as a daughter, friend, teacher, and student. I have learned to decide for what I think is best for me, even if it will hurt me. I have been blessed and I hope my life had brought the same blessing to other people.

Looking forward to another BEST year this 2011!:)



Pahabol(Video kasi)

*Gimme some of that Spotlight
2010 has given me opportunities celebrity style.:)

MTV for Peachy's bridal shower
An NSTP version of Glee's Journey for Peachy.

Every Little Thing He Does -
Literally a DREAM COME TRUE. Been dreaming about singing in a live band since 3rd year HS.:) Thanks to Jewel and Bert's band.:) Till our next show.(haha!)
















Saturday, January 1, 2011

Reminiscing year 2010 (Part I)

As the New Year comes, I found myself feeling grateful and content on the year that was. I felt 2010 has been good to me. With all the blessings and little triumphs I've had last year, I needed to give back by sharing those beautiful moments. I have pondered on different insights I gained, and what best to show it but by pictures. :)

* No distance can hinder REAL friendships.

(Left)Stephen migrates in Canada
(Right) Deo Dave in Dubai

They are the people who taught me friends do not really need to be together all the time. With the power of technology, friendships can still be nurtured. All it takes is some little work:) I miss both of you everyday!

*Getting out of our comfort zones once in a while, builds not only friendships but families.
Anawangin, Zambales First Camping Trip May 2010
My first camping trip in Anawangin. I thank God for creating boys who knows how to cook, pitch a tent and carry stuff. A once in a lifetime experience. (When I say once, I mean it.:))


*Great adventures start with great companies.

Laoag-Pagudpod-Vigan Escapades May 2010
Best summer vacation ever! First non official travel of NSTP Facilitators. Seen three places in 4 days, eaten to die for food, took wonderful pictures, shared stories and laughed our hearts out. This has become one of my most memorable summer vacation.

*Finding people who's as crazy a
s I am, is a blessing this year.

From Veronika Decides to Die, I have learned that in life we find people who are as crazy or even crazier than we are. Luckily, I found these CRAZY people. Though not all of them are as crazy, they understand that crazy side of me.




*Its FUN b
eing a Girl.

Having fun dressing up, and wearing a dress.:) Simple happiness.






*New
CAREER discoveries

(Left) Organizer (Center) Bartender (Right) Emcee

I found three wonderful career choices in case I fail being a teacher. (*Crossing Fingers) This year was filled with successful surprise parties. SO successful that we did it almost every month.:) Lots of work,really but the fun part comes with good people, food and especially drinks. Speaking of drinks, I learned so many cocktails from all these parties, and got drunk (real DRUNK). With the emceeing part, I did it twice this year, first was with my parents' 60th bday and second, was with Jewels' birthday. Both event didn't have any other option but me. :)

*Reasons to Celebrate are Endless
Need I say more? My AEP family knows how to throw a party, enjoy a party and create them.
2010 is really one hell of a PARTY for me because of them.

*I hit my fourth year in teaching.

Coming from a family of teachers, I never thought I would be that one from our generation. Being that not "people-person" person, I have learned to become a "people=person"person. There are times I feel frustrated, confused, and hurt with te aching but every time I feel like giving up, the LOVE I have for the craft and for that percentage (even just a small percentage) of students who I get through to, makes me continue with what I do. Not to mention, colleagues who are always ready to give all the support and reality checks every time I need it.

*Teacher Jho does some learning.

I have always known that there is always something to learn, to experience, and to understand. This year gave me the opportunity not only to teach my students but more to teach myself. Hacienda Luisita farmers and its community, taught me so many things I did not get from reading books, watching the news, or even in my major subjects in college nor in master. Things I wished I knew when I was younger. At some point, I was sad that those were not taught to me by my professors, knowing that my course had to do with being ambassadors of this country. Though there are so many regrets that there are so many things I didnt do, I am still blessed that I have learned about it now. Now that I have the biggest opportunity to make students, family, and friends aware of this issue. This is also the best time for me to take action to in my own little ways help them with their struggles.



*Cheers to years of Friendships

The wonderful people who graced my life and decided to still stay in my life. For being part of who I was, is, and will, thank you. For the Supers of my life, you will always be my superheroines.:)
The krungkrung friend I have since orientation in college.
OLGA Kada, who have seen me blossomed into a lady:)
To DJP, that one super kulit, kalokang, fab friend of mine.
To Leilani, who will be my first lawyer friend and who unde rstand my every move without speaking.
To my bestfriend, Terin, who defends, supports, laughs, and cries with me.

Those not in picture:en
Patch, (ayaw mo kasi isend ung pic) Youre still my twin sister, though I noticed you have so many look alikes. I wished we could spend more time together.:)
My amazing AEP Family (kelangan nyo pa ba ng picture, eh kayo na buong blog na to) You know who you all are, thank you for being my friend regardless of my Kabibohan and (aaminin ko na) kasamaan.:) I love you all!


*Lost and Found

People do certain things for a reason and no person can judge anyone for that. Understanding people's action can only be possible with trust and communication. The secret ingredient is time. Finding time for people that matters.

You are found. Thank you for giving us a second chance.






I